Selena Gomez isa sa ‘youngest’ billionaire, may net worth na P73 billion
ISA nang ganap na bilyonaryo ang sikat na American singer-actress na si Selena Gomez!
Ito ay ayon sa latest report ng financial data and media company na Bloomberg.
Ayon sa ulat, si Selena ang isa sa world’s youngest self-made tycoons.
Ang estimated net worth ngayon ng 32-year-old star ay umaabot na ng $1.3 billion o mahigit P73 billion.
Mukhang malakas talagang kumita si Selena dahil biruin niyo, ang nakuha niya sa huling pinagbidahan na mystery-comedy drama series na “Only Murders in the Building” ay nasa $6 million o P337 million kada season.
Baka Bet Mo: Selena Gomez umaming dumaan sa matinding depresyon, inakalang katapusan na ng mundo dahil sa…
Hindi pa riyan natatapos ang show dahil magkakaroon pa ito ng ika-limang kabanata very soon.
Bukod sa entertainment industry and endorsements, ang malaking bahagi rin ng kanyang yaman ay dahil sa cosmetics business niya na nag-umpisa noong 2019.
Ilan pa sa mga ka-join sa “billionaire elite club” ay sina Taylor Swift, Rihanna, Jay-Z, Bruce Springsteen, at marami pang iba.
Bukod sa pagiging bilyonaryo, si Selena ay kasalukuyang nangunguna babae pagdating sa most followed celebrity sa Instagram at may nakukuha rin siyang pera diyan.
Kung matatandaan, nag-umpisa ang showbiz career ng international singer-actress sa children’s television series na “Barney & Friends” mula 2002 hanggang 2004.
Nagsimula naman siyang makilala at sumikat nang maging bida bilang “Alex Russo” sa sitcom ng Disney Channel na “Wizards of Waverly Place” mula 2007 hanggang 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.