Heart muntik lumusot sa truck dahil sa alagang aspin: Super high heels, hinabol ka na parang action star!

Heart muntik lumusot sa truck dahil sa alagang aspin: Super high heels, hinabol ka na parang action star!

Ervin Santiago |January 14,2021
share this

Heart muntik lumusot sa truck dahil sa alagang aspin: Super high heels, hinabol ka na parang action star!

Ervin Santiago | January 14,2021 - 02:30 PM

MALA-EKSENA sa pelikula at teleserye ang nangyari sa Kapuso actress na si Heart Evangelista at sa alaga niyang aspin (asong Pinoy) na si Che Che.

Naikuwento ng kilalang celebrity animal lover at Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ambassador ang nangyari sa kanila ni Che Che nang makalabas ito sa sasakyan niya kahapon habang nasa Quezon City sila.

Ibinahagi ni Heart ang nakakalokang experience na ito sa Instagram account ng isa pa niyang pet dog na si Panda, “Eto na ang pinaka epic na kwento- una sa lahat nakakahiya ka cheche!

“May balak ka na pala dito sa great escape mo! Pag bukas ba naman mg pinto tumakbo ka sa daan! Puro car at ang pinili mo talaga lusutan ang ilalim ng truck!!!

“Kawawa si mum kakakulot lang ng hair super high heels hinabol ka parang action star!! Pinigil ang truck sa harap at mga car mahabol ka lang!

“Buti nalang nakahabol ang driver at guard! Nakakaloka ang eksena kanina Ortigas ave corner santolan!”

Nag-post din siya sa Twitter ng “pagtakas” ni Che Che, “Nakakaloka hinabol namin si Che Che sa daan! Muntik ako lumusot sa truck!

“To the guards, driver, my hairstylist, all my friends and sister Camille (in high heels din) thank you sa pag habol din. What a scene. thank you lord ok lahat.

“To the man who opened his car door to stop cheche thank YOU! Sana wala naka video dahil mukha akong tanga – naka kulot at high heels making pigil the trucks and cars and running after cheche. What an afternoon.

“Great I forgot na sa Twitter din pala Asawa ko. Mapapagalitan ako nito,” ang nakakaaliw at sunud-sunod na tweet ng Kapuso star.

Pahabol pa niyang tweet, “To the man who opened his car door to stop cheche thank you! Sana wala naka video dahil mukha kong tanga naka kulot at high heels making pigil the trucks and cars and running after cheche. What an afternoon.”

Kung matatandaan, noong 2018 ay ni-launch ni Heart ang “Have A Heart For Aspins” bilang bahagi ng kampanya ng PAWS para sa kapakanan ng mga asong nasa kalye at iba pang hayop.

“I think that Aspins appreciate the love that you show them. They are so hungry for affection that once they get it they become very loyal to you,” sey ni Heart sa isang panayam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending