B-day hugot ni Arci: Yung alam mong wala ka na sa kalendario... shakeet sa ulo besh!

B-day hugot ni Arci: Yung alam mong wala ka na sa kalendario… shakeet sa ulo besh!

Reggee Bonoan |January 14,2021
share this

B-day hugot ni Arci: Yung alam mong wala ka na sa kalendario… shakeet sa ulo besh!

Reggee Bonoan | January 14,2021 - 01:50 PM

NAGDIWANG ng kanyang 32nd birthday nitong Enero 11 si Arci Muñoz at kasabay nga nito, muli niyang pinainit ang Instagram sa bago niyang sexy photo.

Ipinost ng aktres sa IG ang kanyang litrato suot ang kulay orange niyang two-piece bikini.

Ang caption na isinulat niya rito ay, “Ung alam mo na wala ka na sa calendario. Shakeet sa ulo besh!!”

Sa isa pa niyang Instagram photo, makikita naman ang dalaga na namimingwit at ang caption nga niya rito ay tila may hugot din. Aniya, “Isda, parang love life ko mailap!”

Sa ngayon ay walang nababalitang karelasyon ang aktres kaya siguro nabanggit niyang, “shakeet sa ulo besh” kasi nga wala na siya sa kalendaryo at nanatili pa ring single.

Matagal-tagal na rin simula nang maging single ang aktres kaya siguro naiinip na rin siya na muling magkaroon ng special someone. Pero tulad nga ng komento ng ilang netizens, huwag daw siyang mainip sa paghihintay dahil baka ang susunod na lalaking darating ay siya na ngang makakasama niya sa habangbuhay.

Anyway, base sa tumatakbong kuwento ngayon ng Kapamilya seryeng “Walang Hanggang Paalam” kasama sina Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban at Paulo Avelino ay nauugnay na ang dalaga sa karakter ng huli.

Mapapanood bukas, Biyernes, Enero 15 na nahuli ni Angelica sina Paulo at Arci na may ginagawa kaya magkakaroon ng gulo sa pagitan ng tatlo.

Magkakaroon sila ng matinding komprontasyon kung saan hihirit naman si Sam kay Celine ng, “Iniwan mo na si Emman kaya wala kang karapatan na magalit ngayon.”

Samantala, patuloy pa ring pinapaikot ni Anton (Zanjoe) ang isipan ng dati niyang fiance na si Celine at pilit pa ring pinagtatakpan ang kanyang mga kasalanan bilang mastermind ng sindikatong kumidnap at pumatay kay Robbie.

Muli kayang talikuran ni Celine si Emman para paniwalaan si Anton? Magawa kaya ni Emman na kalimutan na si Celine at mahalin si Sam?

Panoorin ang “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending