Sunshine, Sheryl tutuparin ang obligasyon sa publiko; John todo papuri sa bagong ‘anak’
ILANG araw na lang ay muli nang mapapanood ang pinag-uusapang drama series na “Magkaagaw” sa GMA Afternoon Prime.
Kaya naman looking forward na sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz na balikan at ipagpatuloy ang kapana-panabik na kuwento ng kanilang teleserye na pansamantala ngang naputol sa ere dahil sa pandemya.
Para sa dalawang aktres, isang commitment ang muling pagpapalabas ng show para mabigyan ito ng proper ending.
“It’s our obligation to finish what we started and I think we owe it to the audience na hindi natin sila pwedeng bitinin na hanggang du’n na lang,” ani Sunshine.
Tulad ni Sunshine, todo-bigay rin si Sheryl sa kanyang role sa serye. Kuwento niya, “Pagdating sa character ko, I can guarantee that I can give my 110% kasi I still read the scripts na pinapadala sa akin ng production. Kahit paano, I am still able to practice my lines at ‘di na nangangapa pagdating sa set.”
Huwag nang magpapahuli at abangan ang recap ng “Magkaagaw” sa GMA Afternoon Prime simula ngayong Jan. 18.
* * *
“Very talented” at “hardworking” kung ilarawan ng beteranong aktor na si John Estrada ang promising young Kapuso actress na si Pauline Mendoza.
Sa dami ng young talents na nakatrabaho na ni John sa industriya, tila tumatak sa aktor ang husay sa aktingan ni Pauline para sa kanilang pagbibidahang GMA Afternoon Prime series na “Babawiin Ko Ang Lahat.”
Gaganap dito si Pauline bilang si Iris, ang anak ng karakter ni John.
Sa kanyang Instagram post ay pinuri ng aktor ang performance ni Pauline, “Babawiin Ko Ang Lahat is a father and daughter love story. Here with me is my daughter in the serye no less than the very talented, very hard working @paulinemendoza. So proud of you Pau, galing mo.”
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Pauline sa kanyang co-stars sa suportang kanilang ibinibigay lalo na sa heavy scenes.
Ani Pauline, “Lahat ng eksena ko halos everyday na umiiyak. Challenging talaga kasi very heavy ‘yung scenes namin. Pero siyempre with the help of veteran actors, thankful talaga ako kasi gina-guide nila ako.”
Abangan ang nakakaantig sa puso na kwento ng pinakabagong Kapuso series na “Babawiin Ko Ang Lahat” ngayong Pebrero na sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.