‘MMK’ nag-sorry sa paggamit ng Muslim prayer mat bilang doormat sa isang eksena
HUMINGI ng paumanhin ang produksyon ng Kapamilya drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” matapos umere ang episode ng programa nitong nagdaang Sabado.
Maraming mga kapatid nating Muslim kasi ang nagpahatid ng pagkadismaya sa paggamit ng sojada/sajadan o ang Muslim prayer mat sa isang eksena sa “MMK” bilang doormat.
Sa Facebook page ng UGH, ipinost ang screenshot ng nasabing eksena sa drama anthology ni Charo Santos kung saan makikita ang bidang si JC Alcantara nakilala na tumapak sa sojada/sajadan na nasa sahig sa harap ng pintuan.
Nakalagay sa caption ng post, “Respeto naman sa mga MUSLIM ginawa nyong doormat yung SOJADA ng mga Muslim na ginagamit sa pag Prayer.”
“Na curious lang ako sa sinabi ng pinsan ko about sa episode ng MMK last night, ginawa daw nilang doormat ang sajadan/prayer mat. So pinanood ko sa youtube. Totoo nga. (sad emoji) Hindi ako nagpapaka religious ah. Napansin ko lang din (sad emoji),” sabi pa nang nag-post sa FB.
Maraming netizens agad ang nag-react dito kabilang na ang nagsabing, “The Amount of Disrespectful to this Picture. nakita po yan sa MMK, palabas nyo ho tapos po yan pong tinatapak tapak nyo po ay prayer mat po yan sa aming mga muslim. Yan po ginagamit namin sa tuwing magsisimba kami.”
Komento naman ng isa pang nakakita ng screenshot sa FB,
@ABSCBN should hold themselves accountable for using the Muslim prayer mat as floormat on last night’s MMK. @imJCAlcantara that was your episode so perhaps you can aid the public in extracting an explanation from it bc it’s downright disrespectful.”
“I am so dissapointed at this moment! We muslim used sudjada when we are praying this is something na important samin. Its really sad na makikita mo sa isang series ng MMK that they used it as a decor lang, ang malala door mat po this is so insensitive.”
Kasunod nito, nag-issue naman kamakalawa ang MMK ng apology sa pamamagitan ng official social media accounts ng programa.
Narito ang kanilang mensahe, “MMK expresses deep regrets for a scene in last Saturday’s episode that may have offended its Muslim viewers.
“It was an honest mistake and we offer no excuse for this lapse in production.
“We thank our viewers for the feedback and promise to do better.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.