Drilon: ‘Suntok sa buwan’ na mabakunahan ang 70 milyong Pinoy sa 2021 | Bandera

Drilon: ‘Suntok sa buwan’ na mabakunahan ang 70 milyong Pinoy sa 2021

Mimi Torres - January 12, 2021 - 01:02 PM

Reuters

Tinawag na “suntok  sa buwan” ni Senate Minority Leader Franklin Drilon  ang planong pagbili ng gobyerno ng 148 milyong doses ng  bakuna laban sa Covid-19  ngayong taon para sa 70 milyong  Pilipino.

“Parang suntok sa buwan ang vaccination program lalo na yung sinasabi nila na 148 million doses within the year,” ani Drilon sa isang pahayag ngayong Martes.

“Ni hindi pa nga   alam kung kailan darating (ang bakuna).  Paano nilang masasabi na makakabili sila ng 148 milyon doses bago matapos  ang 2021 kung hanggang  ngayon wala pa tayong binigay  na Emergency Use Authorization (EUA) sa kahit anong bakuna   at di pa tayo nakakakuha ng   perang pambili  ng mga bakuna?”

Ito ay sa   kabila ng  pahayag ng Food and Drug Administration na handa na silang mag-isyu ng EUA ngayong linggo.

Imbes na malinawan, sinabi  ni Drilon na mas lalo syang nalilito ngayon kung paanong  ipapatupad ng gobyerno  ang planong pagbakuna sa mga tao laban sa Covid-19.

Maging ang taumbayan aniya ay bigong makakuha   ng  katiyakan sa planong ito  ng gobyerno.

“Maganda lang sa papel ang plano. Pero puno ito ng kawalang katiyakan at ang malaking bahagi ay pawang pagbabaka-sakali,” dagdag pa ni Drilon.

Bagamat naglaan ang gobyerno ng kabuuang P82.5 bilyon para sa bakuna, nilinaw ng senador na P12.5  bilyon pa lamang nito ang  may tiyak na pagkukunan ng pondo habang ang P70 bilyon ay nakapaloob sa “pondong wala sa programa”   sa badyet ng 2021.

Ayon kay Drilon, posible pa rin namang mangyari ang gusto ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong Pinilipino ngayon taon kung papayagan ang mga lokal na pamahalan at pribadong kompanya na  direktang bumili   sa mga kumpanya ng gamot.

Sa ngayon, kinakailangan munang dumaan sa gobyerno ang lahat ng gustong bumili ng  bakuna laban sa Covid-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending