Elisse pinaiyak ni McCoy: Gusto ko lahat ng best para sa 'yo...I love you, I love you, I love you

Elisse pinaiyak ni McCoy: Gusto ko lahat ng best para sa ‘yo…I love you, I love you, I love you

Ervin Santiago |January 08,2021
share this

Elisse pinaiyak ni McCoy: Gusto ko lahat ng best para sa ‘yo…I love you, I love you, I love you

Ervin Santiago | January 08,2021 - 09:20 AM

PINAIYAK ni McCoy de Leon si Elisse Joson sa inihanda niyang sorpresa para sa kaarawan ng dalaga nitong nakaraang araw.

Hindi napigilan ng Kapamilya actress ang maluha sa “regalo” ni McCoy sa kanya — ito’y isang video kung saan hinandugan siya ng binata ng kanta with matching video greeting pa mula sa kanyang mga kaibigan.

Bukod dito, na-touch din ang Kapamilya actress sa video clip na ipinalabas ni McCoy kung saan pinagsama-sama ang mga bonding moments nila together, habang kumakanta nga ang aktor.

Ilan sa mga bumati kay Elisse ay sina Alexa Ilacad, Sofia Andres at DJ Chacha. At halos iisa ang message nila para sa dalaga — ang kanyang kaligayahan at tagumpay sa buhay at career.

“Deserve mo lahat ng happiness and blessings na meron ka because you are a good person and a good daughter,” mensahe sa kanya ni DJ Chacha.

Hirit pang sabi nito, “Ipon muna kayo ni McCoyski bago magdesisyon kung ano man ang future plans niyong dalawa. I wish you happiness and peace of mind and of course, good health.”

Sabi naman ni McCoy kay Ellise, “Hindi ko alam ang sasabihin ko, kung ano lang talaga ‘yung nasa loob ng puso ko ang sasabihin ko. Marami kaming nagmamahal sa iyo.

“Ngayong birthday mo, gusto ko happy ka. Gusto ko lahat ng best para sa iyo. I love you so much, I love you. I love you,” sey pa ni McCoy.

Sabi naman ni Elisse nang tanungin ng binata kung bakit siya umiiyak,  “Thank you. Happy ako, promise.”

Ipinost naman ni Elisse sa kanyang Instagram account ang nasabing video at nilagyan ng caption na, “I wasn’t gonna post this but it really made my day. A meaningful birthday gift from miles away. (Iyakin talaga ako pero tears of joy).”

Dagdag pa niyang mensahe, “Maraming salamat din sa mga kaibigan ko na naging parte ng video na ‘to. It really means a lot seeing your greetings. Mahal ko kayo.”

Kung matatandaan nagsimulang magkaroon ng pagkakaunawaan ang dalawa noong magkasama sa Pinoy Big Brother taong 2016 hanggang sa maging magkarelasyon na nga.

Taong 2018 naman nang mapabalitang nagkakalabuan na ang magka-loveteam at tuluyan na ngang nagkahiwalay. Ngunit noong Agosto, 2020 napabalitang nagkabalikan na nga ang dalawa.

Samantala, muling mapapanood si Elisse sa bago na namang handog ng iWantTFC, ang horror anthology na “Horrorscope”.

Mapapanood sa “Libra” episode si Patrick Quiroz bilang ang sakristang si Ponce na tutulong sa isang pari na mapalayas ang masamang espiritung sumapi sa misteryosong babaeng si Clarissa (Elisse Joson).

Sa pag-usad ng ritwal, unti-unting lalakas si Clarissa kasabay ng paglaki ng tiyan niya para ipanganak ang isang demonyo.

Para pigilan ang pagkakasilang ng anak ng kadiliman, magdedesisyon ang pari na patayin ang babae. Ngunit alin ang mas babagabag sa konsensya ni Ponce – ang pagpatay sa isang inosenteng babae o ang pagkakasilang ng demonyong magpapahamak sa sangkatauhan?

“Horrorscope” is created, produced and directed by Ato Bautista, who also helmed the “Scorpio” episode in iWantTFC’s “Sitsit” movie series.

Standard and premium subscribers worldwide can watch the three episodes of “Horrorscope” on the iWantTFC app (iOs and Android) or on iwanttfc.com starting Jan. 13.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending