Robi ibinuking ang 'kissing scene' ng MayWard: Maymay kami ba'y nagsisinungaling o hindi?

Robi ibinuking ang ‘kissing scene’ ng MayWard: Maymay kami ba’y nagsisinungaling o hindi?

Ervin Santiago |January 08,2021
share this

Robi ibinuking ang ‘kissing scene’ ng MayWard: Maymay kami ba’y nagsisinungaling o hindi?

Ervin Santiago | January 08,2021 - 09:18 AM

IBINUKING ni Robi Domingo na totoo at hindi daya ang kissing scene nina Maymay Entrata at Edward Barber sa pelikula nilang “Princess DayaReese.”

Bongga ang pasok ng Bagong Taon para sa MayWard dahil sa kabila ng patuloy na banta ng pandemya ay nagtagumpay pa rin ang kanilang reunion movie dahil na rin sa suporta ng kanilang loyal fans.
Sa nakaraang episode ng “iWant ASAP” nagpasalamat ang magka-loveteam sa kanilang mga tagasuporta na talagang gumastos para mapanood sila uli sa pelikula.

“Unang una, maraming block screenings from the fans. Super super grateful kami ni Maymay na we were able to drop by a few, at mamayang gabi meron pa,” pahayag ni Edward.

“Even in the middle of a pandemic they’re still supporting us the way that they did noong wala pang pandemya, So maraming maraming salamat, MayWard family.

‘The support that you gave us in 2020 didn’t stop in 2020, it continued over to 2021. We love you so much. Thank you so much, MayWard family,” aniya pa.

Sabi naman ni Maymay, napakahirap man ng pinagdaanan nila sa pagsu-shooting under the new normal ay super worth it naman daw ang naging hirap at sakripisyo nila, “Kasi nakita namin na sulit nga para sa inyo ‘yung movie at masaya kayo, nag-enjoy kayo.”

“Sa lahat po ng MayWard family, Team Edward, Team May, thank you po sa pa-block screening niyo. Grabe kayo, kahit sa panahon natin ngayon, naghihirap tayo pero binigyan niyo pa rin kami ng importansya sa buhay niyo.

“Sa pagsisimula po ngayong bagong taon ay talagang binigyan niyo kami ng parte sa 2021 para mapasaya po kayong lahat,” mensahe pa ni Maymay.

At sa isang bahagi nga ng “iWant ASAP” episode, tinuksu-tukso sina Maymay at Edward tungkol sa kissing scene nila sa movie.

“‘Yung ending, ‘yung eksena na nag-kiss sila na may pa-drone shot na palayo, andoon ako nun eh. Kitang kita ko, ramdam ko ‘yung napi-feel nila na parang totoong totoo, eh,” chika ng co-star nila sa pelikula na si Neil Coleta.

Hirit naman ni Robi Domingo, “Sa comment section sa chat room, sinabi ni Maymay na, ‘Totoo ang kiss namin offcam.’ ‘Yun ang sinabi niya before we went live. Maymay, 2021, kami ba’y nagsisinungaling o hindi na sinabi mo ‘yun?”

Ang natatawa namang sagot  ni Maymay, “Kuya Robs, choppy ka.” Yun na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending