K Brosas, DJ Chacha, Jason na-bad trip sa bagong isyu ng Philhealth
MATARAY ang tugon ng ilang celebrities sa balitang pagtaas ng contribution sa Philhealth this year.
Nag-react ang ilang celebrities sa isang headline which said: “Filipinos should expect to pay higher member contributions to PhilHealth beginning next year.”
Isa sa maanghang na reaction ay kay DJ Chacha who said, “Dagdag hulog sa Philhealth. Dagdag hulog sa SSS. Eh nasaan na yung ninakaw na 15B sa Philhealth?
“Ang lagay parang kami pang members ang mag-aambagan sa 15B. Aba sana man lang bago nagdagdag ng contribution sa Philhealth eh may managot sa nawawalang 15B.”
“Ninanakaw lang naman.” ‘Yan ang mataray na one-liner ni Jason Abalos.
“Before I sleep… isang malutong na shutanginamez?!!?!!! Haaaay!!!! I kenat!” say naman ni K Brosas.
Pero walang dapat ipag-alala ang mga Philhealth contributors dahil sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi itutuloy ang increase sa PhilHealth contribution this year.
“There is a move to increase the contribution of members. May I suggest to PhilHealth Chairman Dante Gierran… ‘Wag muna ngayon (not now), no increase in the contributions, I will look for money to fill it up,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang public address noong Lunes.
“Anyway that is the job of the government to make it easy for everybody at this time,” dagdag pa niya.
* * *
Natanggal na ang cast sa braso ni Nikki Valdez at unti-unti nang nagiging normal ang kanyang paggalaw.
In fact, nakabalik na siya sa taping ng “Bagong Umaga”, ang TV series na pinagbibidahan ni Heaven Peralejo kasama sina Tony Labrusca at Barbie Imperial.
Sa kanyang latest Instagram video, ipinakita ni Nikki ang sarili habang nagluluto.
“Sharing to you na sinubukan ko lang magluto para sa Media Noche namin para maparactice ang paggamit at pag exercise ng left hand AND napagtagumpayan naman,” say niya sa caption.
“May konting discomfort pa rin because matagal tagal pa talaga ang full healing BUT this is day 2 of this year for me. Challenging myself in a good way to heal totally,” dagdag pa niya.
Noong New Year ay mahaba ang linya ng pasasalamat ni Nikki sa kanyang IG account.
“We all have experienced losses in different ways this year but gained so many lifetime lessons as well.
“2020 has given us all a roller coaster ride of emotions… Nonetheless, I am grateful for every pain and sorrow I experienced kasi may kasabihan nga tayo na, “It has to hurt so it can heal.” In my late night talks with my husband and our family, sabi namin, makaraos lang tayo itong taon na ito na walang sakit at buhay, yan ang pinakamalaking blessing na ng taong 2020,” say niya.
Sa pagtatapos ng taon, ang hiling ni Nikki ay mas mapayapa at mas mabuting taon para sa lahat.
“As I bid this year goodbye, I wish for a kinder, brighter and better 2021. It does not have to be grand; ang dasal ko lamang para sa ating lahat ay kapayapaan, magandang kalusugan, patuloy na kaligayahan at tunay na pagbabago.
“Higit sa lahat, gusto ko magpasalamat Panginoon sa hindi mo pagbitiw sa akin, sa aming lahat sa buong taon na ito. Ikaw lamang ang tunay na may alam at tagabigay ng lahat.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.