Sikat na aktres buntis daw, kilalang hunk actor ang tatay | Bandera

Sikat na aktres buntis daw, kilalang hunk actor ang tatay

Reggee Bonoan |January 06,2021
facebook
share this

Sikat na aktres buntis daw, kilalang hunk actor ang tatay

Reggee Bonoan - January 06, 2021 - 05:26 PM

MULING nagpadala ng nakagugulat na balita ang aming reliable source tungkol sa sikat na aktres na nasa interesting stage daw ngayon at ang ama ay isang hunk actor.

Bago namin ituloy ang kuwento, ang reliable source na ito ang nagkuwento rin sa amin noong Hulyo 18, 2019 na hiwalay na si Arci Muñoz at boyfriend niyang si Anthony Ng na kami ang unang nagsulat.

Hulyo 12, 2019 ay nakausap pa namin si Arci sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 para sa pelikula nila ni JC Santos na “Open” na official entry ng Black Sheep at T-Rex Productions.

Ang saya-saya ng aktres noon dahil nga plano na nilang i-level up ni Anthony ang relasyon nila, ‘yun pala pagkalipas lang ng anim na araw, break na!

Going back sa kuwento ng sikat na aktres at hunk actor, nakatatlong pelikula na sila pero hindi sila ang magkatambal dahil parating support lang ang role ng huli.

Hindi rin magkarelasyon ngayon sina sikat na aktres at hunk actor kundi magkaibigan lang at wala naman kaming balita na nagkikita sila dahil hindi naman ito nababalita.

Higit sa lahat ay wala rin silang post sa kani-kanilang mga social media account kaya habang nagkukuwento ang aming reliable source ay takang-taka kami.

Si sikat na aktres ay matagal nang single at sa katunayan ay handa na raw siyang magmahal ulit pagkatapos niyang mahiwalay sa dating karelasyon na aktor din.

May mga nanliligaw nga sa sikat na aktres pero wala naman siyang inaamin kahit na nakikitang kasama niya ang mga ito sa mga gatherings kasama ang pamilya niya.

Si hunk actor naman ay kakahiwalay lang sa karelasyon nitong aktres na inakala ng lahat ay sila na ang magkakatuluyan dahil pinag-uusapan na talaga nila ang kasal kaya laking gulat ng showbiz industry na bigla silang naghiwalay.

Sabi namin sa aming source, maraming project na gagawin ngayon ang sikat na aktres kaya imposibleng buntis ito.

“Abangan natin kapag itinuloy, malalaman naman ng lahat ‘yan. Maliit pa naman ang tiyan niya now,” sabi sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya hindi muna namin sila papangalanan dahil baka nga naman hindi ito matuloy dahil maraming masasagasaang proyekto pag nagkataon si sikat na aktres. Pero kung totoong buntis siya, sana’y ituloy niya ito at tanggapin ang hamon bilang isang ina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending