'Huling habilin' ni Danilo Lim: Patuloy na mag-ingat, bigyang prayoridad ang inyong kalusugan... | Bandera

‘Huling habilin’ ni Danilo Lim: Patuloy na mag-ingat, bigyang prayoridad ang inyong kalusugan…

Reggee Bonoan - January 06, 2021 - 02:45 PM

SA nakaraang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2020 noong Dis. 27, ay hindi nakadalo si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Hindi na ito inanunsyo pero ito ang usapan sa MMFF chat group. Recorded na rin ang opening remarks ni Chairman Lim sa pagsisimula ng Gabi ng Parangal.

Pagkalipas ng dalawang araw, Dis. 29 ay inanunsyo nitong nagpositibo siya sa COVID-19 sa pamamagitan ng kanyang Facebook page.

Aniya, “Magmula noong ECQ ay regular pa ring pumapasok ang inyong lingkod dahil hindi pwedeng maantala ang serbisyo na binibigay ng MMDA sa kalakhang Maynila.

“Isa din ang ating ahensiya sa mga frontliners sa ating laban sa COVID-19.

“Kagabi, matapos kong sumailalim sa routine swab test, nakuha ko na ang results at lumabas na positive ako sa COVID-19 sa kabila ng palaging pag-iingat at pagsunod nang maigi sa mga health protocols sa lahat ng pagkakataon.

“Pinapakita lang nito kung gaano katindi ang COVID-19 at lahat ay pwedeng tamaan.

“Nagpapasalamat ako nang lubos dahil ang aking maybahay at anak ay negative sa test. Bunga ito ng mahigpit din na pag-observe namin ng health protocols kahit sa bahay.

“Nananatiling mild ang aking mga sintomas at sinusunod ko ang payo ng aming doktor para maalagaan ko ang aking kalusugan ngayon. I will continue to self-isolate for now.

“Agad ko rin sinabihan ang lahat ng mga taong may close contact sa akin nitong nakaraang linggo na i-monitor ang kanilang mga sarili at mag self-isolate na nang 14 days.

“Sa kabila nito, tulad ng ginagawa ko ngayong araw, patuloy akong magtratrabaho remotely at magsasagawa ng mga meetings via teleconference para masigurong hindi maaantala ang anumang mga operasyon sa opisina na kailangan sa panahon ngayon.

“Patuloy na mag-ingat ang lahat at bigyang prayoridad ang inyong kalusugan. Sumunod tayo palagi sa health protocols para mapangalagaan ang ating mga sarili pati ang mga nasa paligid natin,” ang buong pahayag ng opisyal.

At ngayong umaga, Enero 6 ay nagulat ang lahat sa balitang punanaw na si MMDA chairman Danilo Lim.

Nagluluksa rin ngayon ang movie industry sa kanyang pagpanaw dahil naging bahagi na rin siya ng industriya dahil sa taunang MMFF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakikiramay ang BANDERA sa mga naulila ni Ginoong Danilo Lim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending