Janine bawal magpa-interview hangga't hindi pa pumipirma ng kontrata sa ABS-CBN | Bandera

Janine bawal magpa-interview hangga’t hindi pa pumipirma ng kontrata sa ABS-CBN

Reggee Bonoan |January 05,2021
facebook
share this

Janine bawal magpa-interview hangga’t hindi pa pumipirma ng kontrata sa ABS-CBN

Reggee Bonoan - January 05, 2021 - 06:00 PM

ANG daming nag-aabang kung kailan na lilipat at pipirma ng kontrata si Janine Gutierrez sa ABS-CBN.

Nakaantabay na rin ang lahat ng ABS-CBN TV reporters at maging ang GMA 7 ay interesado ring makatsikahan ang aktres para sa update pero hindi na pinayagan ng management agency ang dalaga na magpainterbyu siya.

Mahigpit ang bilin kay Janine na “no interview” muna hangga’t hindi pa siya nakakapirma sa ABS-CBN.

“May inaayos pa,” sabi sa amin ng isang taga-Dos, “Saka binilinan na hindi muna magpapa-interview talaga si Janine sa reporters hangga’t hindi pa siya nilo-launch.”

Anyway, may pelikulang ipalalabas si Janine next month kasama si JC Santos, ang “Doon at Dito” produced ng TBA Studios mula sa direksyon ni JP Habac. Depende sa resulta ng meeting ng mga producers na may mga pelikula na rin silang ipalalabas sa mga sinehan.

At base sa pagkakaalam namin ay may lock-in shooting si Janine out of town kaya siguro hindi pa ma-schedule ang pagpirma niya sa Kapamilya network.

Maging si JC ay may out of the country shoot daw kahit may banta pa rin ng pandemya.

Samantala, tsika sa amin ng taga-GMA, suportado ni Rayver ang paglipat ng girlfriend niya sa ABS-CBN kahit tinanggihan pa nito ang serye pagsasamahan nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending