Bakit hindi pa rin maamin ni Bea ang tunay na relasyon nila ni Dominic? | Bandera

Bakit hindi pa rin maamin ni Bea ang tunay na relasyon nila ni Dominic?

Reggee Bonoan |January 05,2021
facebook
share this

Bakit hindi pa rin maamin ni Bea ang tunay na relasyon nila ni Dominic?

Reggee Bonoan - January 05, 2021 - 04:25 PM

ANO nga kaya ang dahilan ni Bea Alonzo at hindi pa rin niya maamin sa publiko na nagde-date sila ng aktor na si Dominic Roque?

Wala naman kaming nakikitang masama kung umamin ang aktres lalo’t nakikita naman silang magkasama ni Dominic sa iba’t ibang lugar.

Tulad na lang ng mga balitang may nakakitang magkasama sila kamakailan sa Baguio. Nasa isang resto bar daw ang dalawa ayon sa mga nakasaksi.

Nakunan pa nga sila ng ilang netizens habang kumakanta si Bea sa stage at kinukunan ng video ni Dominic.

Kaya iisa ang tanong ng lahat, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin ang dalawa? Hindi na naman sila mga bagets para ilihim pa sa publiko kung anong mayroon sila.

Naisip namin, baka hindi pa talaga sila pormal na magdyowa? Baka hindi pa sinasagot ng dalaga ang aktor kaya wala pa talagang label ang kanilang relasyon.

Tulad nga ng sinabi ng tarot card reader na si Niki Vizcarra, walang karelasyon ngayon ang aktres pero may iniisip siyang lalaki.

At nagbiro pa nga ang dalaga na, “Lagi na lang lalaki ang nasa isip, talandi.”

Ibig kayang sabihin nito ay nanliligaw pa lang si Dominic kay Bea? At kaya laging magkasama ay dahil kinikilatis pang mabuti ng aktres ang ugali ng binata?

Wala rin naman kasing laging nakakasama ang aktres kaya sumasama siya sa binata na hindi naman masyadong busy dahil wala kaming alam na may regular show ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

O, baka naman si Dominic ang sinasabi ng tarot card reader na taong inaalok siyang magnegosyo?  Posible dahil alam ang namin, may gasoline station ang aktor at posibleng gustong sumosyo rito ng aktres.

Anyway, sabi nga ni Niki, huwag magmadali si Bea dahil baka mauwi rin sa hiwalayan ang susunod niyang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending