B-day pakilig ni Enrique kay Liza: My paradise is always with you my love...23 to infinity! | Bandera

B-day pakilig ni Enrique kay Liza: My paradise is always with you my love…23 to infinity!

Ervin Santiago |January 05,2021
facebook
share this

B-day pakilig ni Enrique kay Liza: My paradise is always with you my love…23 to infinity!

Ervin Santiago - January 05, 2021 - 09:50 AM

HASHTAG #KiligPaMore na naman ang hatid ng reel and real life Kapamilya couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil sa madlang pipol.

Nagpasabog na naman ng good vibes ang tambalang LizQuen sa social media nang mag-post si Enrique ng kanyang birthday message para kay Liza who just turned 23 yesterday, Jan. 4.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, muling ibinandera ng Kapamilya actor ang kanyang abot-langit na pagmamahal kay Liza.

Nag-share siya ng litrato nila ng girlfriend sa IG na kuha malapit sa beach kung saan makikita silang magkayakap at sweet na sweet.

Aniya sa caption, “We may be in an island far away but my paradise is always with you. Happy Birthday my love! 23 to infinity.”

Palaging ipinagsisigawan ni Enrique sa buong universe kung gaano niya kamahal si Liza. Sa isa niyang IG post, ipinangako pa ng binata na si Liza ang lahat-lahat para sa kanya.

“You are my world, my everything. You are the reason why my life is amazing and never dull.

“Thank you for having a beautiful heart and loving me unconditionally. You’re my forever baby, I love you,” mensahe ng aktor sa birthday girl.

Naging magka-loveteam ang dalawa noong 2014 at bumida na nga sa ilang hit teleserye at pelikula. Hanggang sa mauwi na nga sa totohanan ang kanilang relasyon off cam.

Nag-celebrate ang magdyowa ng kanilang 6th anniversary as a couple noong October, 2020. Pahinga muna ang LizQuen sa pagtatrabaho matapos makansela ang primetime series nila sa ABS-CBN na “Make It With You” noong June, 2020 nang dahil sa COVID-19 pandemic at sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Kung wala nang magiging problema, nakatakdang gumawa ng bagong pelikula ang LizQuen ngayong 2021.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending