Nag-amoy kudeta sa paligid | Bandera

Nag-amoy kudeta sa paligid

- March 19, 2010 - 03:44 PM

Lito Bautista, Executive Editor

NAG-amoy kudeta kahapon.
Sa Camp Aguinaldo, sinalag ng mga opisyal ang pangamba na aagawin ng militar ang poder kapag nagkaroon ng failure of election. Oo nga naman.  Di pa puwedeng agawin ng militar ang poder, bilang tugon sa atas ng Saligang Batas ni Corazon Aquino, kung ang dahilan lang ay failure of election.  Kaya pang lutasin ng mga sibilyang opisyal ang failure of election.
Papasok lamang ang militar kung magkagulo, tulad ng nais ng oposisyon at Komunista.  Susundin ng militar ang atas ng Saligang Batas kapag nagkagulo na dahil hindi tumulong ang oposisyon at Komunista para maging tagumpay ang halalan.
Ito namang si ex-Brig. Gen. Danilo Lim, na nakakulong dahil sa kasong pag-aalsa sa Makati Regional Trial Court at sa Court Martial ng Armed Forces, magkakaroon naman daw ng military revolt dahil sa pananaw ng Korte Suprema na puwedeng maghirang si Pangulong Arroyo ng chief justice sa kabila ng election ban.
Susme naman.  Parang hindi ka heneral.  Oo nga pala.  Matagal ka nang nakakulong.  Marami nang nagbago sa militar.  Marami nang naiba ang pananaw simula nang dalawin ni Leon Panetta (direktor yan ng US Central Intelligence Agency) si Gibo Teodoro, nang siya ay naglilingkod pa sa tanggulang pambansa.  Naiba na rin ang pananaw ng ilang heneral nang kausapin si Teodoro ng kalihim ng US defense department.

BANDERA, 031910

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending