Paulo sa mga nag-share ng 'dyinggel scene' sa Fan Girl: Maawa kayo sa menor de edad na makakakita | Bandera

Paulo sa mga nag-share ng ‘dyinggel scene’ sa Fan Girl: Maawa kayo sa menor de edad na makakakita

Ervin Santiago - December 29, 2020 - 09:26 AM

NAKIUSAP na ang Metro Manila Film Festival 2020 Best Actor na si Paulo Avelino na huwag na sanang ikalat pa sa social media ang mga screenshots ng kontrobersyal na eksena niya sa “Fan Girl.”

Ayon kay Paulo, para na rin kasi itong uri ng piracy dahil hindi naman ito bahagi ng anumang trailer o promo material na inilabas at ginamit ng kanilang mga producer.

Mabilis na kumalat ang mga nasabing litrato sa socmed kung saan makikita ang eksena ni Paulo na umiihi sa isang sidewalk at kitang-kita ang kanyang pagkalalaki na pinaniniwalaan namang prosthetic lang.

Paliwanag ng aktor sa isang panayam, “Ayun nga, e, parang I also think it’s a form of piracy, itong mga pag-i-screenshot.

“Ang dali namang pag-usapan, ang dali namang ikalat ng balita pero huwag naman sa point na ini-screen cap ‘tapos ina-upload pa sa social media,” lahad ng Kapamilya actor.

Pagpapatuloy pa niyang paliwanag, “Unang-una, maawa naman kayo sa mga underage na makakakita. For sure, may mga bata diyan.

“Pangalawa, hindi siya nakakatulong para sa pelikula. Mas na-appreciate ko sana if pinag-usapan na lang and sinabing panuorin iyong Fan Girl, may makikita kayo.

“Ang daming ways to handle it pero the whole team is finding a way to purge these photos.

“I don’t think it would stop, but like I said sa isang interview ko, siguro, we’ll just have a positive outlook of it, the same way na sinasabi nila sa artista na bad publicity is still publicity.

“So siguro, same lang sa pelikula namin, sana nakatulong sa pag-akyat ng sales sa pagbili ng tickets,” aniya pa.

Para naman sa leading lady ni Paulo sa movie na si Charlie Dizon na nanalo rin bilang best actress sa MMFF 2020, “Noong una, medyo nakaka-feel bad na iyon iyong nakakakita ng tao na sana, mas makita nila na mas maganda iyong pelikula, mas may istorya, at mas may sense.

“Iyong iba kasi, masaya na sila na iyon iyong nakikita, iyong kumakalat na pictures.

“Pero thankful din po ako sa mga tao na nanunuod legally and talagang nag-stay sa pelikula dahil nagustuhan nila iyong kabuuan ng pelikula.

“Kasi minsan, iyong mga photos na ganun, na-a-out of context sa mismong story. Kumbaga, di nila alam ano pinanggalingan ng photos na iyon, pero thank you po sa mga sumuporta lalo nang nakita nga nila iyon,” chika pa ng young actress.

Para naman sa direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone, “Ang isang magandang bagay doon ay when they see those photos and when they decide to watch the film because of those photos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parang sabi nga sa Fan Girl na social media account, ‘They came for Paulo’s eme but they stayed for the woman.’ They think it’s all about that private thing but it’s actually a small part of a whole,” dagdag pa ni Direk Tonette.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending