'Legal Wives' ni Dennis hindi tungkol sa mga kabit; mga hit na anime hahataw sa POPTV | Bandera

‘Legal Wives’ ni Dennis hindi tungkol sa mga kabit; mga hit na anime hahataw sa POPTV

Ervin Santiago - December 26, 2020 - 09:17 AM

HINDI tungkol sa kabitan o mga other woman ang upcoming series ni Dennis Trillo sa GMA 7 na “Legal Wives.

Ayon sa Kapuso Drama King, “Yung technical kasi ng show niya pagkarinig mo, iisipin mo tungkol sa mga kabit-kabit. Pero hindi siya ganoon.

“Ako noong una ganoon din ‘yung inisip ko. Pero nu’ng nabasa ko ‘yung kuwento, na-in love ako dahil nakita ko ‘yung kultura ng mga kapatid nating Muslim, at na-in love ako roon sa mga characters nila dahil ipinakita roon ‘yung talagang beliefs nila, ‘yung kultura,” pahayag pa ng aktor sa panayam ng GMA Regional TV.

Gagampanan si Dennis sa serye ang karakter ni Ishmael Macadato na isang Muslim at may tatlong asawa – sina Amirah (Alice Dixson); Diane (Andrea Torres); at Farrah (Bianca Umali).

“Lahat ‘yon ay hindi ko naman sila pinili pero nangyari lang dahil sa pagkakataon, dahil sa sitwasyon na kinasangkutan ko,” paliwanag pa ni Dennis.

Sa kultura ng mga Muslim, legal ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa hangga’t kaya niyang suportahan at mahalin nang pantay-pantay ang mga ito.

“Nandito kami para i-entertain, and at the same time i-educate rin ‘yung mga kababayan natin para mas makilala natin sila at mas mamahalin natin sila kapag nalaman nating ‘yung kuwentong ito,” ani Dennis.

* * *

Mula sa nakakapanginig at katakam-takam na mga pagkain, matinding pagpapapayat, superheroes in training, hanggang sa Pinoy style na street basketball, mapapanood n’yo sa POPTV ang mga anime series na tiyak magbibigay saya at aliw sa inyo ngayong Christmas break.

Sundan ang kwento ng talented chef na si Yukihira Soma sa kanyang pagharap sa mga hamong dala ng prestihiyosong Totsuki Culinary Academy sa Filipino-dubbed na “Food Wars.”

Sumama naman sa fitness journey ng teenager na si Hibiki Sakura na kakarerin ang pagpapapayat sa ngalan ng pagkakaroon ng jowa sa Filipino-dubbed “How Heavy Are the Dumbbells You Lift?”

Ipakikita namannni Izuku Midoriya na kahit sino ay pwedeng maging hero matapos siyang dalhin ng kanyang puso at determinasyon para maging estudyante ng U.A. School sa hit anime na “My Hero Academia,” Tagalized din ng POPTV para sa inyo.

Hindi rin pahuhuli si Bren Park ng award-winning first Filipino anime series sa Asya, ang “Barangay 143,” dahil sa pag-uumpisa ng inaabangang second season ay nalaman na niya ang pagkatao ng tunay na ama at nagbabadya pang iiwan ang kanyang koponan.

Huwag palalampasin ang bagong episodes ng anime series na ito linggo linggo tuwing Miyerkules sa POPTV.

Para i-download ang app, hanapin lang ang POPTV PINAS sa Google Play, Huawei App Gallery, at Apple App Store. Mapapanood mo lahat ng palabas sa POPTV sa halagang P49 lang valid sa loob ng tatlong buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mayroon ditong local movies (blockbusters, indie at classics) at tagalized Pinoy foreign favorites (KDramas, animes, BL series, asian movies, at marami pa). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa facebook.com/poptvph o bumisita sa official website na www.poptv.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending