Christmas cash gift para sa mga senior citizen sa Pasig maari nang makuha
Good news para sa mga senior citizen ng Pasig City.
Naipasok na sa Landbank ATM accounts ng mga senior citizen ang kanilang Christmas cash gift.
Sa abiso ng Pasig Public Information Office, maaari nang ma-withdraw ang pamaskong handog sa ATM ng Landbank o iba pang bangko (may minimal na transaction fee) simula alas 7:00 ng umaga ngayong araw, December 24.
Ipagpapatuloy naman ang onsite distribution o pagbibigay ng cash cards sa Landbank branches sa Lunes at Martes.
Paalala ng LGU, sundin ang schedule na ipo-post sa Facebook page ng Pasig PIO para maiwasan ang pagdagsa sa mga Landbank branches.
https://www.facebook.com/PasigPIO/posts/1928728863952889
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.