Ex-PBB housemate isa sa mga Pinoy na nakatanggap ng COVID-19 vaccine sa US
ISA ang dating “Pinoy Big Brother: Teen Edition” housemate na si Aldred Gatchalian sa mga unang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Naka-based ngayon ang dating aktor sa Amerika at mismong siya ang nagbalita sa kanyang social media followers na nabigyan na siya Pfizer at BioNTech’s COVID-19 vaccine.
Ibinahagi ng ex-PBB housemate sa kanyang Instagram Stories ang kanyang snapshot habang tinuturukan ng anti-COVID vaccine.
Aniya sa caption, “Received my 1st dose of Pfizer/BioNTech COVID-19 Vaccine today at work. I will give you guys an update if I experience any adverse reactions.”
After 21 days, ibibigay naman sa kanya ang second shot, o booster shot, na kailangan sa COVID-19 vaccine mula sa Pfizer/BioNTech.
Hindi sinabi ng dating Kapamilya actor kung bakit nakatanggap siya ng bakuna pero ayon sa report, ang priority ngayon sa US na mabigyan ng bakuna ay mga “frontline essential workers” at yung mga 75 years old and above.
Kung matatandaan, nakasama si Aldred sa unang teen of edition ng “PBB” sa ABS-CBN kung saan itinanghal na Big Winner si Pinoy Big Brother si Kim Chiu.
Noong mag-celebrate ng 10th anniversary ang “PBB” taong 2015, nag-post pa si Aldred ng mahabang mensahe para pasalamatan ang programa pati na si Big Brother.
“Happy 10th year anniversary to the show that changed my life and my family’s life! Marami akong pinagpapasalamat sa Pinoy Big Brother. Marami akong natutunan at nakilalang mga taong nagpabago sa mga pananaw ko sa buhay ko sa ngayon.
“Marami akong na-experience na kahit kailanman di ko naisip na mangyayari sa buhay ko. Lalo na ang pag-aartista. At lahat ng yun ay babaunin ko hanggang sa pagtanda ko. It literally changed my life!
“Dahil sa inyo naging handa akong sumabak sa hamon ng totoong buhay! Hehe. Happy 10th year anniversary! I will forever be grateful that I have been a part of one of the best shows in the history of Philippine TV. God bless everyone!”
Samantala, umaasa naman ang Duterte administration na may maisasarado silang kontrata ngayong Disyembre para makakuha na rin ang Pilipinas ng vaccine sa second at third quarter ng 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.