Maine, Arjo 2 taon nang magkarelasyon: I love you more than you could possibly imagine | Bandera

Maine, Arjo 2 taon nang magkarelasyon: I love you more than you could possibly imagine

Ervin Santiago - December 22, 2020 - 09:07 AM

PINAKILIG na naman nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kanilang mga tagasuporta sa palitan nila ng mensahe para sa kanilang second anniversary.

Ibinandera ng celebrity couple sa social media ang mas tumitindi pa nilang pagmamahal sa isa’t isa sa pagse-celebrate ng ikalawang taon nila bilang magkarelasyon.

Very open na ngayon ang magdyowa sa pagsasapubliko ng kanilang nararamdaman para sa isa’t isa kaya naman mas marami na ang sumusuporta sa love story nila na noong simula ay inulan din ng matinding intriga at pagkontra mula sa ilang fans.

Unang nag-post si Maine sa IG ng litrato nila ni Arjo kung saan magkadikit ang kanilang mukha at abot-tenga ang mga ngiti. Ang maikling caption ng TV host-actress, “Happy second (white heart emoji).”

Makikita sa background ng dalawa ang isang cottage malapit sa beach. Hindi nagbigay ng detalye si Maine kung saan kuha ang photo nila ni Arjo.

Kasunod nito, si Arjo naman ang nag-post sa kanyang socmed ng litrato nila ni Maine na magkadikit din ang face. Naka-topless ang award-winning actor habang naka-swimsuit naman si Maine.

Kung titingnang mabuti ang background ng picture, sa beach din ito kinunan. Nilagyan niya ito ng mensaheng, “I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd anniversary bubs! (Red heart emoji).”

Kung mataandaan, isinapubliko nina Arjo at Maine ang kanilang relasyon nang mag-celebrate sila ng first anniversary noong Dec. 21, 2019 sa pamamagitan ng IG post ni Maine. Nag-comment naman dito si Arjo ng “I’m crying.. I love you.”

Inaasahan ng marami na mauuwi rin sa kasalan ang relasyon ng dalawa. Parehong umamin sina Arjo at Maine na napag-uusapan na rin nila ang pagbuo ng sariling pamilya at umaasa sila na doon na rin tutungo ang kanilang pagmamahalan.

“Obviously, I’m at that age already. I had nothing to hide. Yes, we talk about it so I said nga this is my love story, this is me, this is it for me, and you know we just have commitments and we still have things to do.

“And being here with each other throughout the years we just grow stronger. Eventually we’ll get there,” pahayag ni Arjo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending