Bossing ng ABS-CBN hiyang-hiya kina John Lloyd at Bea; teleserye ng KathNiel kasado na sa 2021
DAHIL sa COVID-19 pandemic kaya hindi natuloy ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na kukunan sana sa Florence, Italy.
Ito’y ididirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.
Ito pala ‘yung nabanggit ni direk Cathy sa huling zoom interview namin para sa fundraising project niyang “Pakpak ng Pangarap” noong Oktubre.
May pelikula raw siyang nakatakdang gawin sana ngayong taon pero hindi niya binanggit na sina John Lloyd at Bea ang mga bida rito.
Pagkatapos ng ilang taong pamamahinga sa showbi, ito na sana ang comeback movie ni Lloydie na labis na pinanghihinayangan ng Star Cinema managing director na si Ms Olivia Lamasan.
Base sa panayam ni MJ Felipe ng “TV Patrol” kay Ms Olive, “It was supposed to shot in Florence, Italy. It’s a romance drama. It was to be directed by Cathy Garcia Molina, so reunion movie nila.
“Nahiya nga kami kina Lloydie at Bea kasi they waited for a year for this. Sana hindi sila magtampo, but we’re not losing hope na mag-materialize ang project na ito and were inviting John Lloyd and Bea to be co-creators to get involve sa concept level pa lang.”
Emosyonal ding naikuwento ni Inang (tawag kay direk Olive) na labis siyang na-touch sa ilang Kapamilya stars na nananatiling loyal at nagpakita ng malasakit sa kumpanya tulad ng KathNiel at ni Toni Gonzaga-Soriano na tinanggap ang digital show na “I Feel You.”
Kuwento ng ehekutibo, “Ito ‘yung mga lumaki sa amin na naiyak ako kasi parang pagbabalik nila ng utang na loob na out of the blue na sinasabi nila na ‘makakatulong po sa inyo, sa Star Cinema, gagawin po namin, Inang we’re ready.’
Naging tapat naman si Inang sa mga nabanggit na hindi kakayanin ngayon ng kumpanya ang kanilang talent feee, pero sinagot siya ng, ‘”Hindi po natin pag-uusapan.”
Samantala, kasado na ang pelikulang gagawin nina Enrique Gil at Liza Soberano sa Star Cinema at ang teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa 2021. Kaya sana nga, mawala na ang pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.