Matet rumesbak sa basher na tumawag sa kanya ng ‘walang silbing ampon’
AYAW pa ring tantanan ng mga bashers ang aktres na si Matet de Leon matapos niyang ipagtanggol ang mga kapatid na sina Ian at Lotlot sa mga Noranians.
Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato ngayon ng ilang fans ng Superstar na si Nora Aunor laban kay Matet pati na rin sa iba pa niyang mga kapatid.
Isang netizen pa nga ang tumawag sa kanya ng “walang silbing ampon” kasabay ng payo nito na tigilan na nila ang pagsagot sa mga haters dahil kahit ano pa raw ang mangyari, nanay pa rin nila si Ate Guy.
Adoptive mother nina Matet, Lotlot, Kiko at Kenneth si Ate Guy, tanging si Ian de Leon lamang ang nag-iisa niyang biological child kay Christopher de Leon.
Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Matet ang dalawang mensahe na natanggap na aniya’y mula raw sa mga “Noranians” na nagtatanggol sa Superstar.
Ayon sa unang netizen, “Kahit anong ginawa ni Ate Guy na di ninyo nagustuhan dapat inunawa ninyo at inintindi.
“DAPAT KAYONG MAGPASALAMAT DAHIL SA KANYA NARATING NINYO KUNG ANONG BUHAY MAYROON KAYO NGAUN.
“NASAAN ANG MGA MAGULANG NINYO NA DAPAT SIYANG NAGALAGA SAINYO…
“KUNG AYAW NYONG MABASH TIGILAN NAN NINYO ANG SAGOT NG SAGOT SA COMMENTS. TANDAAN NINYO KARA SA MGA WALANG SILBING AMPON.”
Ito naman ang sey ng isa pang nag-comment sa mga ipinost ni Matet patungkol sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya, “Korek di na lang manahimik tong mga ampon na to feeling ko may pera nanamn si ate guy kaya mga nagiingay mga to.”
Bwelta naman sa kanila ni Matet, “Ang babait talaga ng mga ‘noranians’ I LOVE YOU ALL!!!!!!!”
Kung matatandaan, nag-post si Matet sa IG ng photo nila ni Ian kung saan ipinagtanggol nga nito ang kapatid sa fans ni Ate Guy na galit na galit dahil sa hindi nito pagsipot sa birthday party na in-organize mismo ng Superstar.
Komento ng isang netizen, sana raw ay kausapin na lang nila ang ina in private para hindi na lumala ang issue na agad namang sinagot ni Matet.
“Kausap namin siya nung isang araw. walang makakaalam kung anong pinag usapan namin.
“Icha chat ko uli mamaya, wala uli makaka alam kung anong pag uusapan.
“Amin lang kasi to. at dahil ang daming alam alaman na nakikialam, lalong nagugulo.
“Hindi kami ang naglabas nito sa publiko, sumabog na lang kaya sumasagot na kami,” depensa pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.