Ellen may hinahanap na 6 katangian kay Mr. Right: Hindi ko pa nakikita ang ‘the one’
MAY anim na katangian na hinahanap si Ellen Adarna sa isang lalaki para pumasa raw bilang dyowa niya.
Hindi diretsahang sinagot ng dating partner ni John Lloyd Cruz ang tanong ng isang netizen kung single ba siya ngayon o taken na, pero inisa-isa niya ang qualities ng kanyang Mr. Right.
Nagkaroon uli si Ellen ng “Ask me a question” session sa Instagram Stories kung saan sinagot nga niya ang mga tanong ng kanyang IG followers.
Tanong ng isang netizen, “When do you think a person is ready for marriage?”
“I get a lot of questions about marriage or finding the right one.
“Guys, please do not ask me this because I’m not experienced. I haven’t been married, and I haven’t found the one yet. Please,” pakiusap na sagot ng dating sexy actress.
Ngunit inamin niya na payag na payag siya sa live-in set-up dahil isa ito sa mga itinuro ng mga magulang sa kanilang magkakapatid.
“What can u say about couples living together without marriage?” ang hirit na tanong ng isa niyang follower.
Sagot ni Ellen, “Ako, ‘Day, pro ako ‘Day, which is me and my siblings, when we reached 18, our parents encouraged us to live with our partners so hindi kami mag-aasawa na lamang nang ganon-ganon para malaman namin kung ano ang gusto namin o hindi.”
Dagdag pa niya (sa Visaya), “Yun ang kinatatakutan ng papa namin baka basta-basta na lamang kami mag-aasawa, kaya pinatikim niya, pinaintindi niya sa amin, kung ano ba itong ganitong idea, on what it’s like to live with someone, so ako I’m pro live-in.”
Patuloy pa niyang paliwanag, “Dahil mahirap kasi kung mag-aasawa ka, magkakamali ka sa pag-aasawa, hindi kasi madaling mag-backout, hindi ganu’n kadali yun. So, for me, at some point na alam mo kung ano yung pinasukan mong mundo.”
Alam naman ng buong mundo na naka-live-in ni Ellen ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz. Biniyayaan sila ng isang anak, si Elias Modesto.
Ayon pa kay Ellen, napakarami na niyang natutunan sa buhay dahil sa kanyang mga failed relationships kaya raw mas magiging wais na siya ngayon pagdating sa pakikipagrelasyon.
Sinagot din ng ex ni Lloydie ang tanong na, “Hi Miss Adarna are you single?”
“If you know someone ‘Day who’s handsome, who’s smart, who’s respectful, who’s is driven, who’s fair, who’s fun, send him over. If not, then I’m taken,” hugot na reply ni Ellen Adarna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.