Kathryn umaming mag-iiba ang selebrasyon ng Pasko 2020; binalikan ang favorite Noche Buena
HINDI man magiging kumpleto ang selebrasyon ngayong taon para kay Kathryn Bernardo, tuloy na tuloy pa rin daw ang Pasko para sa kanyang pamilya.
Ayon sa Kapamilya actress, siguradong maiiba ang Christmas celebration nila this year dulot pa rin ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Unang-una, hindi makukumpleto ang kanyang pamilya sa mismong araw ng Pasko dahil hindi makakauwi sa Pilipinas ang kapatid niya mula sa UK dahil mahigpit pa ring ipinatutupad doon ang health and safety protocols.
“For me my family is very simple. Usually, on Christmas, we just stay at home and have dinner. For me kasi, important ‘yung sama-sama kami buong family,” pahayag ni Kathryn sa isang panayam.
Paliwanag pa ng girlfriend ni Daniel Padilla, “So this year it’s a bit different kasi usually umuuwi ‘yung sister ko from UK and then ‘yung brother ko umalis ngayon. So medyo iba ‘yung set-up kasi ‘di kami magkakasama physically.”
“But hindi ‘yun reason not to celebrate Christmas. Ang dami pa rin naming dapat ipagpasalamat this year.
“It’s been difficult but then we are blessed because we are safe, ‘di ba? So, ‘yun, simple lang, dito lang kami sa bahay for Christmas but sa New Year, du’n kami aalis,” aniya pa.
Dagdag pa ng tinaguriang Queen of Hearts, “The difference lang siguro sa previous Christmas naming was ‘yung di magkakasama kami physically, nagta-travel. But this time hindi naman tayo pwede umalis, so better na lang to stay safe at home. Very simple lang.”
Samantala, naikuwento rin ng dalaga ang isa sa mga hindi niya malilimutang Pasko, “Ako siguro ‘yung favorite Christmas memory ko kahit noong bata pa ako, ‘di ba pagpatak ng 12 a.m., magno-Noche Buena kayo sa (December) 24 tapos pagpatak ng 25, magbubukasan na ng gifts.
“Tapos sobrang babaw ko kasi na tao, so gustung-gusto ko na nagpe-prepare ako ng gifts tapos kung makaka-receive ako ng gifts, it doesn’t matter kung gaano ka-simple.
“Just the fact na may ino-open ka sa Christmas tree, ‘yun ‘yung nagpapa-feel ng Christmas feels for me. Tsaka siguro ‘yung may bata sa bahay tapos ikaw ‘yung nagpe-prepare ng ilalagay sa socks nila kung ano ‘yung naging wish nila kay Santa,” masayang pagbabalik-tanaw pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.