Sheena nanganak na: Di pa rin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita... | Bandera

Sheena nanganak na: Di pa rin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita…

Ervin Santiago - December 14, 2020 - 09:18 AM

EMOSYONAL na ibinandera ng Kapuso actress na si Sheena Halili sa buong mundo ang pagsilang ng panganay na anak na si Baby Martina.

Agad na ibinahagi ni Sheena sa social media ang ilang litrato ng bagong-silang na anak nila ni Atty. Jeron Manzanero.

Nanganak ang aktres kamakalawa ng umaga, (Dec. 12) via normal delivery sa isang ospital sa Bonifacio Global City.

Ayon kay Sheena sa unang pagkakataong nasilayan ang anak, hindi pa rin daw siya makapaniwala na kalong na niya ang sanggol na dinala sa kanyang sinapupunan nang siyam na buwan.

Ipinost niya ang kanyang litrato sa Instagram na kuha sa loob ng ospital habang pinadedede si Baby Martina.

“Hello anak! Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita.  Maraming salamat Lord at healthy kaming dalawa,” ang caption ng Kapuso star sa nasabing IG photo.

Nag-post din si Jeron sa Facebook ng litrato nila ng panganay na anak na may mensaheng, “I promise to hold your hand forever, Martina.”

Kung matatandaan, inanunsyo ng mag-asawa sa publiko noong June 13, 2020 na magkakaroon na sila ng baby.

Anila, magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman nila dahil nga nataon sa pandemya ang pagbubuntis ni Sheena.

Ikinasal sina Sheena at Jeron noong Feb. 23, 2020 sa isang Christian ceremony sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City. At ilang buwan lang ang nakalipas ay nabuntis na nga ang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending