Truck ban sa Metro Manila, ipatutupad muli simula sa Disyembre 14
Muling ipapatupad ang truck ban sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa abiso ng MMDA, magsisimula ang muling implementasyon ng truck ban sa araw ng Lunes, Disyembre 14, 2020.
Mayroon anilang total truck ban sa EDSA (Magallanes Interchange hanggang North Avenue), 24 oras mula Lunes hanggang Linggo.
Ayon sa MMDA, ipinagbabawal ang pagbiyahe ng malalaking truck sa ibang major thoroughfares na pinangangasiwaan ng MMDA mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi, tuwing Lunes hanggang Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.