Bwelta ni Pia sa bashers: Marami na akong nagawa bilang Miss U pero hindi n’yo nakikita yun
PINATULAN ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang ilang netizens na nagsasabing mas marami raw siyang oras para sa lovelife kesa sa mga kanyang mga adbokasiya.
Mariing kinontra ng dating beauty queen ang sinasabi ng iba na mas priority niya ang kanyang Scottish boyfriend kesa sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Recently lang, sinagot ni Pia ang mga kumuwestiyon sa pagbibigay sa kanya ng parangal bilang Woman of the Year ng isang Dubai-based luxury travel and lifestyle magazine.
Ayon sa kanyang detractors, wala raw siyang karapatang makatanggap ng ganu’ng klase ng pagkilala dahil wala naman daw siyang ginagawa para sa mga Filipino.
Para sagutin ang paratang na ito, napilitan ang dalaga na isa-isahin ang mga nagawa niya para matulungan ang mga frontliners ngayong may pandemya pati na rin ang mga nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa sunud-sunod na pagsubok sa Pilipinas.
Ngunit may ilang bashers pa rin ang hindi nakuntento sa pahayag ni Pia tulad na lang ng nagsabi na mas napapansin kasi ng publiko ang mga glam at bikini photos niya sa social media at ang mga pinaggagagawa nila ng dyowang si Jeremy.
“Lately it seems like ur just into ur man and living the good life,” comment ng nasabing Instagram user.
Meron pa ngang nagkumpara sa kanila ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, na talagang puro raw ang charity works at iba pang uri ng pagtulong ang pinagtutuunan ng pansin.
Narito naman ang bwelta sa kanila ni Pia, “If you look at my timeline and stories you’ll find everything there [heart emoji].
“Im always posting but you dont notice it because you refuse to see it. Kahit naman nung MU pa ko 5 yrs ago people only focused on who I was dating rather than what I was doing.
“Its true. I did so much advocacy work as MU and people just dont see that.
“Theyre more interested in knowing my diet or who Im seeing. [sad face emoji]. But God knows I really tried hard and never expecting to get anything from it. Gusto ko lang talaga [heart emoji].
“I try to keep a balanced life. Im doing what I can as a miss universe from 5 years ago. Balancing work, business, love, family and advocacy,” paliwanag pa ng aktres.
Para naman sa mga nagsasabing wala na raw siyang ginawa kundi ang mag-post ng litrato nila ng kanyang boyfriend, “And Im in a loving and supportive relationship now, nothing like I’ve ever had before. So wala naman sigurong masama if I share pictures of us.”
Paliwanag pa ni Pia, “Jeremy has been such a light in my life especially lately after the family issues I’ve been going through.
“Hes been the most supportive person ever. Hes literally my all in one.
“So if our photos bother you so much that you had to make this throwaway account to comment then just unfollow me and we can both live peacefully [heart emoji],” hirit pa ng beauty queen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.