Kean umaming high school crush si Chynna: Tapos ngayon kasama na kita sa bawat sandali ng buhay ko | Bandera

Kean umaming high school crush si Chynna: Tapos ngayon kasama na kita sa bawat sandali ng buhay ko

Ervin Santiago - December 07, 2020 - 10:34 AM

PINAKILIG ng singer-actor na si Kean Cipriano ang mga netizens sa super sweet na birthday message niya para sa asawang si Chynna Ortaleza.

Kahapon nag-celebrate ng kanyang ika-38 kaarawan ang Kapuso TV host-actress kaya naman naisipan ni Kean na mag-post ng mensahe para kay misis kasabay ng pa-throwbach “aminan ng crush.”

Ipinost ng Callalily frontman sa Instagram ang sweet photo nila ni Chynna kung saan inamin nga niya na ang high chool crush niya noon ay misis na niya ngayon.

“‘Yung joke na ‘bata pa lang ako, pinapanuod na kita,’ totoo ‘yun sa ‘kin,” simulang kuwento ni Kean. Aniya, pinanood pa niya ang pelikula ni Chynna noong 2004 sa isang mall kasama ang mga magulang.

“Naaalala ko birthday ko dati, pinanuod namin ng parents ko ‘yung pelikula na Kuya sa Ever Gotesco. Crush na crush kita sa pelikula na ‘yon. Isa ‘yon sa paborito kong barkada film.

“Tapos ngayon.. kasama na kita almost every single second ng buhay ko,” mensahe pa niya.

Narito naman ang birthday message ng OPM singer para kay Chynna, “Happy Birthday my love @chynsortaleza! You deserve to be happy. Praying for good health, wealth, peace of mind and calmness.

“Andito lang ako palagi para sa ‘yo I love you!” aniya pa kasabay ng pagsasabing napakabait sa kanya ng tadhana dahil sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Chynna.

Kung matatandaan, inamin nina Kean at Chynna noong 2015 ang  kanilang relasyon at nagpakasal  makalipas ang dalawang taon. May dalawang anak na sila ngayon —Stellar at Salem.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending