Ice may pa-tribute kay Mommy Caring: Kating-kati na yan mag-ballroom at magsuot ng damit na kita ang cleavage
IBINANDERA ng award-winning OPM singer na si Ice Seguerra ang katapangan at katatagan ng kanyang pinakamamahal na inang si Mommy Caring.
Binigyan ng pa-tribute ni Ice ang mommy niyang si Caridad Yamson-Seguerra sa pamamagitan ng social media kung saan ipinagmalaki niya ang mga katangian nito sa buong universe.
Nag-post ng mensahe ang singer-actor sa kanyang Instagram account kalakip ang litrato ni Mommy Caring, dalawang linggo matapos sumakabilang-buhay ang tatay niyang si Decoroso “Dick” Seguerra dahil sa prostate cancer.
Ang caption ni Ice sa kanyang IG post, “Gusto ko lang ipagmalaki itong napakatatag (at yes, sexy) na babaeng ito.
“I’ve never met someone na kasing tatag kagaya ng nanay ko. The past few months has been extremely hard for all of us but lalo na sa kanya.
“Pero never nag give up, never napagod, at punong puno nang pagmamahal niyang inalagaan si Pogi at ang aming buong pamilya. Hindi pa rin niya nalilimutan magluto ng mga paborito naming pagkain, maglinis ng bahay, at kung ano ano pa,” aniya pa.
Ayon kay Ice, kumukuha sila ngayon ng lakas at inspirasyon kay Mommy Caring habang patuloy na ipinagluluksa ang kanilang ama.
“We get her strength from her at Diyos ko, parang hindi siya nawawalan. At 79, she’s still active (except for GERD issues). Alam ko, kating kati na yan mag ballroom at isuot ang mga damit niyang mabababa ang neckline at kita ang cleavage.
“She’s been through a lot. Pero ni minsan hindi siya nag give-up.
“Sobrang proud ako ikaw ang nanay ko, mama. Mahal na mahal kita. You da best!!!” pagmamalaki pa ni Ice kay Mommy Caring.
Kamakailan, ibinahagi ni Ice na napanaginipan niya si Daddy Dick kung saan nakita raw niya na masayang-masaya ang ama sa kinalalagyan nito ngayon.
“I finally dreamt of my dad,” ang simulang kuwento ni Ice. Nasa isang town kami, buong pamilya kasama ang mga kamag-anak (pati pets). Sobrang traffic, so, kailangan ko mag-detour sa loob ng simbahan.
“Nagulat pa ako, meron silang malaking lion sa loob ng rectory. Mabait naman yung lion. So nakalabas kami nang buhay. Tapos, papunta kami sa isang outdoor restaurant, nandun mga pamilya, naghihintay,” patuloy pa ng singer-actor.
“Tapos nakita ko si Pogi (tawag niya kay Daddy Dick). Malusog na siya ulit. Kasama niya ibang mga kapatid niya, tapos kumakanta at nagkukuwentuhan. Namumulutan pa nung isdang niluto ni mama ko.
“But at the center of it all, si Pogi. I can never forget his smile, simple pero iba. He looked very happy,” kuwento ni Ice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.