Andrea mas mabilis makaka-move on kay Derek; DOTS PH ng DongJen sunud-sunod na ang pasabog | Bandera

Andrea mas mabilis makaka-move on kay Derek; DOTS PH ng DongJen sunud-sunod na ang pasabog

Ervin Santiago |December 03,2020
facebook
share this

Andrea mas mabilis makaka-move on kay Derek; DOTS PH ng DongJen sunud-sunod na ang pasabog

Ervin Santiago - December 03, 2020 - 01:49 PM
MATAPOS ang biglaang break-up nila ni Derek Ramsay, sumabak na muli sa pagtatrabaho ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres.

Nitong Martes, nagsimula na ang lock-in taping nila para sa bagong teleserye ng GMA na “Legal Wives” na pagbibidahan ng Drama King na si Dennis Trillo.

Marami ang nagsasabi na siguradong mapapabilis ang pagmu-move on ni Andrea sa paghihiwalay nila ni Derek dahil maibubuhos niya ang lahat ng kanyang atensyon sa pagte-taping.

Ayon kay Andrea, kakaibang karakter na naman ang gagampanan niya sa serye na isang cultural drama na tatalakay sa buhay ng isang lalaking Maranaw na gagampanan nga ni Dennis na may tatlong asawa.

Ang mga magiging misis niya sa kuwento ay sina Andrea, Alice Dixson at Bianca Umali na pinakasalan ng karakter ni Dennis dahil sa magkakaibang rason.

Samantala, sa interview ng “24 Oras” kay Andrea, ibinahagi nito ang kanyang mga plano at hiling para sa darating na Pasko.

Katulad nang nakaugalian, kasama ng Kapuso actress ang kanyang pamilya sa selebrasyon ngayong taon.

“Magiging memorable po siya kasi ang dami nating pinagdaanan this year. Feeling ko mas mabigat ‘yung dating sa atin ng pagse-celebrate ng Christmas,” aniya.

Simple lang naman ang Christmas wish ni Andrea, ito ay ang maging maayos ang kalagayan nila ng kanyang pamilya, “Ang gusto ko lang ay maging healthy ‘yung family ko at magkasama-sama na kaming lahat.”

                            * * *

Sunud-sunod na ang mga twists and turns na nagaganap sa kuwento ng “Descendants Of The Sun” nina Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes.

Maaksyon ang mga eksena nitong mga nakaraang episode lalo na ang ginawang pang-aambush ng rebeldeng grupo na PRG sa Alpha Team na pinangungunahan ni Capt. Lucas na ginagampanan nga ni Dingdong Dantes.

Kaya naman naging problema kung paano madadala sa medicube ang mga gamot para sa kumakalat na killer virus kung saan isa nga sa mga tinamaan ay si Moira (Jasmine Curtis).

Kaya naman alalang-alala si Diego sa kalagayan ng babaeng pinakamamahal. Dito niya napatunayan na hindi niya kayang iwan si Moira sa kabila ng katotohanang galit na galit siya sa ama ng dalaga.

Sa mga susunod na episode ng “DOTS PH”, mas marami pang lihim ang mabubunyag at mga pasabog na eksena kabilang na ang muling pagtatagpo ng magkapatid na Maxine at Rodel na pinaglayo ng karahasan at kasinungalingan.

Ngayong nalaman na ni Doc Maxine na buhay ang kanyang kuya, hahayaan na lang ba niya na mapahamak ito at mahuli ng militar? Paano niya sasabihin kay Lucas ang totoo? Ano ang pipiliin niya — ang pag-ibig niya kay Lucas o ang pagmamahal niya sa sariling kadugo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yan ang dapat abangan sa pagpapatuloy ng “Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)” pagkatapos ng “Encantadia” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending