Robin umalma sa MMFF: Hindi lahat ng nasa pelikula ay kita sa takilya ang habol | Bandera

Robin umalma sa MMFF: Hindi lahat ng nasa pelikula ay kita sa takilya ang habol

Ervin Santiago - December 03, 2020 - 09:22 AM
NAGLABAS ng saloobin ang dating action star na si Robin Padilla tungkol sa mga napiling pelikula para sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Inalmahan nito ang sistemang ginagamit ng MMFF Screening Committee sa pagre-review at pagpili ng mga magiging official entry sa taunang filmfest na ginaganap tuwing araw ng Kapaskuhan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Binoe ng isang teaser para sa isang docu-movie na may titulong “Memoirs Of a Rebel” bilang pag-alala sa kaarawan ng bayaning Filipino na si Andres Bonifacio.

Kalakip nga nito ang mahaba niyang mensahe para sa mga taong nasa likod ng MMFF. Mukhang isa ang nasabing dokumentaryo sa mga hindi nakapasok sa 2020 MMFF na posibleng siyang pinanggagalingan ng malalim na hugot ni Robin.

Narito ang buong IG post ng mister ni Mariel Rodriguez at kayo na ang humusga kung may katwiran ang kanyang ipinaglalaban para sa kapakanan ng industriya ng pelikula.

“Maligaya ako sa mga napiling pelikula para sa darating na Metro Manila Film festival. Makakapanood na naman ng mga pelikula ang taongbayan ng mga obra ng magagaling na direktor at mga sikat na artista.

“Nakaugalian na kasi natin na lumayo sa katotohanan ng buhay at mabuhay sa sarili nating mundo at magpanggap na maayos ang lahat

Kailan kaya lalabas sa kanilang mga sariling mundo ang screening committee ng MMFF at magsimulang mabuhay sa katotohanan at maging hudyat para magamit ang kanilang kapangyarihan upang makapagmulat ng kanilang kababayan sa mga suliranin na dapat ay hinaharap at hindi tinatakbuhan o kinakatakutan.

“Kung nakikinig lamang at tunay na may paggalang sana ang mga screening committee na ito sa ating national artist na si kidlat tahimik marahil ay mabubuksan ang kanilang puso lalo ang kanilang kaluluwa at konsensya sa tunay na gamit sa paggawa ng Pelikula at kung paano ito magiging daan para mabuksan ang kaisipan ng taongbayan sa tunay na mukha ng buhay hindi sa mga maskara na idinikdik sa kanilang mga kaisipan ng mga Negosyante sa loob ng pelikulang pilipino.

“Mga kababayan hindi lahat ng nasa pelikula ay Kita sa takilya ang habol! katulad ng pangmumulat ng national artist na si kidlat tahimik

May mga film makers tayo na nabubuhay lamang sa pag ibig sa Bayan at pagmamahal sa kapwa tao at Pilipino.

“May mga taong hindi taga pelikula ang naniniwala sa kapangyarihan ng Pelikula na maghayag ng katotohanan kayat sila ay handang lumantad at mag alay ng buhay maisawalat lamang sa taongbayan kung ano ang katotohanan at kung ano ang kasinungalingan. “Napakasakit isipin kung sino pa ang mga nasa pelikula sila pa ang pumipigil sa kapangyarihan ng pelikula na makapaghayag ng katotohanan at ng kasinungalingan. We have lost our ways my dear brothers and sisters in the screening committee. Show business is not all about your shows and your businesses.

“It is not always about your money, your profit and your awards. Do not be an instrument of confusion nor distraction one way or the other you should use your gift for the benefit of the truth and change.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“New normal na! Pati ang showing ng mga pelikula niyo sa MMFF pero ang style niyo old normal pa rin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending