20 degrees Celsius naitala sa Metro Manila ngayong umaga
Malamig ang naging unang araw ng Disyembre matapos makapagtala ng mababang temperatura ngayong Martes sa Metro Manila.
Ayon sa datos mula sa automated weather station ng PAGASA, naitala kaninang ala 5:00 ng umaga ang 20 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang iba pang mga lugar na nakapagtala ng mababang temperatura ngayong umaga ay ang mga sumusunod:
- La Trinidad, Benguet – 12 degrees Celsius (5:50AM)
- Atok, Benguet – 14 degrees Celsius (5:50AM)
- Tagaytay, Cavite – 18 degrees Celsius (6:00AM)
- Sa Baguio City ilang sunod na araw na ding nakapagtatala ng mababang temperatura.
Ngayong araw, naitala ang 12 degrees Celsius sa lungsod ganap na alas 5:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending