Resbak ni Luis sa nagsabing break na sila ni Jessy: OK po! Nakalunok ka ba ng buto ng durian? | Bandera

Resbak ni Luis sa nagsabing break na sila ni Jessy: OK po! Nakalunok ka ba ng buto ng durian?

Ervin Santiago |December 01,2020
facebook
share this

Resbak ni Luis sa nagsabing break na sila ni Jessy: OK po! Nakalunok ka ba ng buto ng durian?

Ervin Santiago - December 01, 2020 - 09:35 AM

ILANG netizens ang sinagot ni Luis Manzano na nagkomento sa throwback photo nila ni Jessy Mendiola sa Instagram.

Kabilang na rito ang isang basher na nagsabing break na raw ang celebrity couple matapos kumalat ang chika na engaged na sila.

Nag-share si Luis sa kanyang Instagram account ng litrato nila ng kanyang girlfriend na kuha sa ginanap na Star Magic Ball noong 2016.

Ito ang unang pagkakataon na um-attend sila sa nasabing Star Magic event bilang magka-date. Ang caption ni Luis sa nasabing IG post, “Hi soon to be birthday girl [heart emoji].”

Simpleng paramdam ito ng TV host-comedian para kay Jessy na magse-celebrate nga ng kanyang ika-28 kaarawan sa Dec. 3.

Nag-comment naman ang aktres sa post ni Luis ng, “OMG… our first ball together! This was 4 years ago! [heart emoji].”

Nag-post din ng comment ang tatay ni Luis na si Edu Manzano na sumang-ayon sa sinabi ng ilang fans ng anak at ni Jessy, “They look great together!”

Ilang followers din ni Luis ang nagkomento sa photo nila ng kanyang dyowa — and as usual may mga nagsabi ng positibo at meron ding nag-post ng kanegahan.

May isa pa ngang nagsabi kay Luis ng, “Pakasal na mo” o mapakasal na raw sana sila ni Jessy.

Birong tugon ng TV host sa netizen, “Parang minura mo ako [laughing emoji].”

Sabi naman ng isang IG user, hindi naman daw minura si Luis, nais lang daw nitong magpakasal na ang celebrity couple.

Sagot sa kanya ng binata, “Alam ko [laughing emoji] sabi ko lang parang namura ako hehehe.”

At dito na nga sumingit ang basher na diretsahang nagsabi ng, “Break na sila.”

Sinupalpal agad siya ni Luis na humirit ng, “OK po. Nakalunok ka ba ng buto ng durian?”

Sabi naman sa kanya ng netizen, nais lang daw niyang umamin na si Luis sa tunay na estado ng relasyon nila ng girlfriend. Pero hindi na siya nireplayan ng Kapamilya host.

Halatang fake news naman ang chika na hiwalay na ang magdyowa dahil noong nakaraang Nov. 22 lang ay nag-post pa si Luis ng litrato sa Instagram kasama ang inang si Batangas Rep. Vilma Santos.

Kuha ito sa kaarawan ng Star For All Seasons kung saan makikita sina  Luis at Jessy kasama si Ate Vi at ang isa pa nitong anak na si Christian Recto, ang anak nila ni Sen. Ralph Recto.

Samantala, nagpaliwanag naman si Jessy tungkol sa kumalat na litrato sa social media kung saan makikitang nagsusukat siya ng wedding gown.

Ipinost ito sa IG ng Perez-Rubio Bridal habang mainit na pinag-uusapan ang balitang engaged na sina Jessy at Luis dahil sa suot na singsing ng dalaga.

Ayon sa post ni Jessy sa IG Stories, “Last year pa po ito. Kaya po hindi ako masaya tingnan, kasi ayaw ko po magpakasal sa eksena. Nood na lang po kayo sa Netflix! Makikita niyo itong gown sa isa sa mga eksena.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman nagkomento ang aktres sa chikang nag-propose na raw si Luis sa kanya base na rin sa ibinandera niyang bonggang diamond ring.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending