NTC muling tumanggap ng parangal kaugnay sa FOI | Bandera

NTC muling tumanggap ng parangal kaugnay sa FOI

- November 28, 2020 - 03:07 PM

Sa ikatlong sunod na taon muling nabigyang pagkilala ang National Telecommunications Commission (NTC) sa kanilang pagpapatupad ng programa kaugnay sa Freedom of Information (FOI).

Sa katatapos na 2020 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, kinilala ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pamamagutan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO) ang NTC bilang isa sa mga Top Requested and Performing Agencies sa eFOI Portal.

Napabilang kasi ang NTC sa elite group ng mga ahensya ng gobyerno na tumanggap ng mahigit 500 requests.

Sa mga natanggap na requests ng NTC, 90 porsyento ang closed o resolved transactions.

Ito na ang ikatlong sunod na taon na nabigyang pagkilala ang FOI efforts ng NTC.

Kinilala din si NTC FOI officer, Divine N. Dacquioag, bilang isa sa Best FOI Officers sa idinaos na seremonya.

Pinapurihan ni NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba si Dacquioag at ang buong NTC family.

Tiniyak ni Cordoba na patuloy ang pagtalima ng NTC sa panawagang transparency ni Pangulong Duterte sa mga ahensya ng gobyerno.

Pinasalamantan naman ni PCOO Secretary Martin Andanar ang mga FOI champions, decision-maker/receiving officers, civil society organizations at government partners.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending