'Magaling talagang comedian si Vhong' — Direk Topel Lee | Bandera

‘Magaling talagang comedian si Vhong’ — Direk Topel Lee

Reggee Bonoan - November 26, 2020 - 03:09 PM

TUWANG-TUWA ang buong team ng Cineko Productions dahil nakapasok ang pelikula nilang “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” sa 2020 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula sa Dis. 25.

Sa ginanap na virtual mediacon ng Metropolitan Manila Development Authority para sa anunsyo ng 10 pelikulang pasok sa 2020 MMFF ay nakasama nga ang pelikula nina Vhong Navarro, Barbie Imperial, Benjie Paras, Ryan Bang, Ion Perez, Ritz Azul, Joross Gamboa at marami pang iba, mula sa direksyon ni Topel Lee.

Ayon kay direk Topel ay happy set lagi sila sa “MK2” dahil puro biruan at tawanan ang lahat bago magsimula ang shooting.

“Ang kulit ng mga artista sobrang marami ang cast but it was fun but we were able to pull it off naman,” say ng direktor.

At dahil unang beses niyang nakatrabaho si Vhong kaya tinanong namin kung kumusta ang naging shooting nila.

“Vhong is very talented dami niyang mga ideas niya, sometimes ang dami niyang ini-inject na nuisance na comical actions so pinapabayaan ko lang siya then eventually pasok naman sa character niya ‘yung mga ginagawa niya, fortunately talaga na magaling si Vhong,” kuwento ni direk Topel.

Hindi lang naman daw si Vhong ang nagsa-suggest ng mga eksenang puwedeng idagdag kundi maging sina Benjie at Ryan na isinasama naman daw ni Direk.

Ang “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” din ang unang pelikula ng dalawang “PBB Otso” housemates na sina Yamyam Gucong at Fumiya Sankai, idagdag pa ang baguhan ding si Ion Perez. Hindi ba nahirapan si direk Topel sa kanila?

“Si Fumiya hindi pa siya magaling mag-Tagalog, so sometime ine-edit na lang namin yung mga lines niya kasi hindi pa niya ma-pronounce totally tapos nagkaroon siya ng injury (lung surgery noong December, 2019) sa Japan, so we waited pa para makabalik siya para matapos ang mga eksena niya. Maganda naman ‘yung chemistry nila (Ion, YamYam at Fimuya),” pahayag ng direktor.

Kinlaro rin niya na konti lang ang eksena ni Fumiya kaya hindi naging problema nu’ng nagpunta na ito ng Japan para sa kanyang surgery.

Inamin din ng direktor na since hindi pa rin sanay sa pelikula si Ion (una siyang napanood sa The Mall The Merrier ni Vice Ganda), nagre-rely lang daw siya sa banter nina Vhong at Ryan.

“Pag siya (Ion) lang okay naman and for him to work kailangan kasama sina Vhong at Ryan na ginagawa siyang…pinagtatawanan siya,” tsika pa ng direktor.

Kumita ang unang “Mang Kepweng” ni Vhong noong 2017 kaya tinanong namin kung paano nag-level- up ang part 2, “Hindi ko napanood nang buo ang MK1 kasi hindi ko na mahanap sa YouTube,” saad nito.

Ang line producer ng “MK1” at “MK2” na si Fleur Hombre ang sumagot sa tanong namin kung ano ang pagkakaiba ng dalawang pelikula.

“Siguro po i-level up, mas marami ‘yung twist ng story, ang daming locations, set design level up din, pati mga CG (computer graphics) sa pelikula,” say nito.

Dagdag pa ni direk Topel, “Dati kasi horror comedy, ngayon mas marami ‘yung action effects, more on adventure.”

Samantala, sinang-ayunan naman din ni Ritz na nasa virtual presscon din ng movie masaya ang set ng “MK2″ dahil wala nga raw silang ginawa kundi magtawanan bago mag-shoot.

“Ako po ‘yung Reyna ng Encadia na kalaban sa may-ari ng itim na bandana sabi nga ni direk sobrang riot ng shoot namin, e, role ko seryoso, gustung-gusto kong sumakay doon sa kalokohan nina Vhong at Ryan kaso kailangan kong magseryoso kaya pigil na pigil (ang tawa) ako,” kuwento ni Ritz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Joross ang pinakakontrabida rito ni Mang Kepweng na aminadong ito ang pinakamalaki niyang role sa mga nagawa niyang mga pelikula.
Abangan ang “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Iitim ng Bandana” sa Dis. 25 bilang official entry sa 2020 MMFF mula sa Cineko Productions.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending