Angeline emosyonal sa unang b-day na wala si Mama Bob: Iba ang pakiramdam... | Bandera

Angeline emosyonal sa unang b-day na wala si Mama Bob: Iba ang pakiramdam…

Ervin Santiago - November 26, 2020 - 01:23 PM

PINIPILIT ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto na maging masaya ngayong birthday niya kahit nagluluksa pa rin ang kanyang puso.

Ito ang unang kaaraawan ng dalaga na hindi niya kasama ang adoptive mother niyang si Sylvia Quinto, o mas kilala sa tawag na Mama Bob na sumakabilang-buhay noong Nov. 7 matapos ma-stroke at ma-confine sa ospital ng ilang linggo.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Angeline ng video clips kung saan nagbigay uli siya ng mensahe kay Mama Bob at sa lahat ng kanyang fans at mga kaibigan.

Dito nga niya sinabi na nararamdaman niyang hindi magiging happy ang yumao niyang ina kung patuloy siyang malulungkoy lalo na sa kanyang kaarawan ngayong araw (Nov. 26).

“Hi guys! Ang dami pong nagsasabi sa akin na magbi-birthday ako ngayon first time na wala ang Mama Bob.

“Sobrang nakakapanibago, sa totoo lang. Hindi ko alam parang iba ang pakiramdam. Pero alam na alam ko na ayaw ng Mama Bob na malungkot ako.

“Kaya kahit na kami-kami lang ang nandito sa bahay ngayon, alam ko ang presence ng Mama Bob ko ay patuloy na nararamdaman po namin,” pahayag ng singer.

Dagdag pa niyang mensahe sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya, “So thank you very much sa patuloy na bumabati sa akin.

“Salamat sa inyong lahat dahil sa inyo kaya patuloy akong nagiging malakas sa lahat ng mga pangangamusta niyo.

“Sa lahat ng mga patuloy na naririnig ko na ‘ate Angge, kaya mo ‘yan, ate Angge, laban lang’ patuloy tayong lalaban guys.

“Kayang-kaya natin ito dahil masayang masaya-masaya ang mama,” positibo pang pahayag ni Angeline.

Kasunod nito, kinantahan ng dalaga ang sarili ng “happy birthday” who just turned 31 today.

“Napakarami ko na pong kinantahan pero this time para po sa sarili ko na naman ‘happy birthday to me.’ God bless you guys,” sabi pa ni Angeline.

Araw-araw ay nagpo-post ang dalaga ng message sa Instagram para kay Mama Bob para kahit paano’y maibsan ang nararamdaman niyang pangungulila at kalungkutan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hinding-hindi ako mapapagod sa pagpapasamalat sa yo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo,” ang isa sa mensahe ni Angeline sa yumaong ina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending