Dennis bilib sa karakter niyang Muslim na may 3 asawa: Siya 'yung tao na iidolohin mo | Bandera

Dennis bilib sa karakter niyang Muslim na may 3 asawa: Siya ‘yung tao na iidolohin mo

Ervin Santiago - November 26, 2020 - 09:23 AM
SALUDO ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa kanyang karakter sa upcoming GMA series na “Legal Wives.”

Iikot ang kuwento ng “Legal Wives” sa buhay ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at makapag-aasawa ng tatlong babae, sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres) at Farrah (Bianca Umali).

Hindi mapigilan ni Dennis na mamangha sa kultura ng mga Maranaw na kanila ngang ibibida sa bagong teleserye ng GMA 7.

“Parang nabigla ako nu’ng umpisa pero nu’ng nabasa ko naman ‘yung script, ang ganda ng ginawa nila rito. Mai-in love ka sa bawat character, mai-in love ka du’n sa kultura,” kuwento ng Kapuso actor.

Naiiba rin daw ang paninindigan sa buhay ng kanyang karakter, “Siya ‘yung tao na iidolohin mo dahil iba ‘yung paninindigan niya. Iba siya magmahal.

“Bawat tao sa paligid niya kaya niyang pakitunguhan kaya rin siguro nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng tatlong iibigin dito sa kwento dahil mapagmahal siyang tao,” sey pa ng boyfriend ni Jennylyn Mercado.

Kasama rin sa powerhouse cast ng “Legal Wives” sina Cherie Gil, Shayne Sava, Adbul Raman, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar de Mesa, Juan Rodrigo at Irma Adlawan

                          * * *

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Kate Valdez ang hirap na dala ng new normal kaya naman may payo siya para sa mga kabataang nahihirapan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Kate, “I just want you to let you know na kahit may nangyayari ngayon, huwag tayong mawalan ng pag-asa.

“Puwede pa rin ninyong gawin ang nagpapasaya sa inyo, but kailangang doble ingat.

“Kailangan natin mas maging malinis sa sarili at sa paligid para safe tayo. And makinig kina mommy and daddy. And also don’t forget to pray,” mensahe ng dalaga sa mga kabataan.

Natapos na ang aktres sa kanyang lock-in taping para sa primetime series na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” na magbabalik na rin sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood din si Kate sa “Witch is Which” episode ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” ngayong Linggo bilang si Jasmine, pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending