4 Kapamilya youngstars patalbugan ng akting sa 'Four Sisters Before The Wedding' | Bandera

4 Kapamilya youngstars patalbugan ng akting sa ‘Four Sisters Before The Wedding’

Reggee Bonoan |November 25,2020
facebook
share this

4 Kapamilya youngstars patalbugan ng akting sa ‘Four Sisters Before The Wedding’

Reggee Bonoan - November 25, 2020 - 03:15 PM

MALAKING pressure para sa youngstars na sina Gillian Vicencio, Charlie Dizon, Belle Mariano at Alexa Ilacad ang pagbibidahan nilang pelikula.

Ang tinutukoy namin ay “Four Sisters Before The Wedding” ng Star Cinema sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Kaya namin nasabi ito ay dahil blockbuster ang “Four Sisters And A Wedding” na pinagbidahan noon nina Angel Locsin, Shaina Magdayao, Toni Gonzaga at Bea Alonzo na idinirek naman ni Cathy Garcia-Molina noong 2013.

Ang ganda naman kasi talaga ng pelikula bukod pa sa naglalakihan ang mga artista, kasama pa si Enchong Dee bilang nag-iisang kapatid na lalaki ng apat na sisters.

Hindi na naman baguhan sa showbiz sina Gillian, Charlie, Belle at Alexa sa larangan ng pag-arte dahil marami na silang nagawang pelikula at teleserye.

Pero siguro ito na nga ‘yung pagkakataong umangat na nang todo ang mga pangalan nila sa mundo ng showbiz.

Siguradong pagalingan ng pag-arte ang mangyayari sa prequel ng “Four Sisters And A Wedding” at nakatitiyak kaming maganda rin ang materyal at mahusay ang direktor nilang si Mae Cruz-Alviar na ang mentor ay si direk Cathy din kaya nga lagi silang tandem noon.

Inilabas na ng Star Cinema nitong Lunes, Nob. 23 ang poster ng “Four Sisters Before The Wedding” at maganda ang feedback ng mga nakapanood.

Sure kami na aabangan ito ng mga nakapanood ng “Four Sisters And A Wedding” sa darating na Disyembre na ipalalabas sa KTX, iWant TFC, IPTV, Cignal PPV, at Sky Cable PPV sa halagang P150.

Samantala, ang naunang pelikula nina Angel, Toni, Shaina at Bea ay maraming memorable scenes na ginagamit sa memes.
Isa nga sa hindi malilimutang eksena sa pelikula ay nang kaladkarin palabas ng restaurant ni Angel si Mocha Uson habang sinasabunutan niya ito.

Panalo ang eksenang iyon to the max, palakpakan ang mga taong nakasabayan naming nanood sa Gateway Mall noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May ganu’n din kayang mga eksena na mapapanood sa bagong obra ni direk Mae? Yan ang aabangan natin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending