Kris tuloy ang laban kontra body-shaming: Always choose kindness, you are beautiful!
PATULOY na nakikipaglaban si Kris Bernal sa mga taong walang ginawa sa buhat kundi ang mambastos at manglait ng kanilang kapwa.
Isa si Kris sa mga local celebrities na palaging nabibiktima ng body-shaming sa social media, kung anu-ano talagang masasakit at malilisyosong salita ang ibinabato sa kanya dahil sa kanyang katawan.
Dahil dito, patuloy na nananawagan ang drama actress sa lahat na tigilan na ang body-shaming kasabay ng paghikayat sa tulad niyang biktima nito na huwag magpapatalo sa kanegahan sa socmed.
Sa kanyang Instagram, muling nag-post si Kris ng litrato kung saan makikita ang resulta ng ginagawa niyang regular workout at proper diet.
“At one time or another, you might have experienced body shaming the same way that I did. Waking up every day to people commenting on my body wasn’t easy at all,” aniya sa caption.
Dagdag pa niya, “Thankfully, I am pretty headstrong and kept channeling all this negativity into my work. I would look myself in the mirror, smile, and say ‘Always choose kindness. You are beautiful.'”
Ipinagdiinan din ni Kris sa kanyang socmed followers at mga fans na walang taong perfect.
“If you are also a victim of body shaming, I understand you and let’s make sure to not tolerate it. Let’s educate people on what is right.
“People are skinny, curvy, tall, short, petite, large, and that’s just the reality of things!
“You are beautiful whatever your shape is because you are God’s creation.
“When you know your worth and value from God, no one can already make you feel worthless, less valuable, or unloved,” paliwanag pa niya.
Palagi na lang inookray ng mga bashers si Kris dahil sobrang payat nito. May ilan pa ngang nagsabi na kailangan na raw niyang magpatingin sa espesyalista dahil parang hindi na raw healthy ang itsura niya.
Samantala, tuluyan na ngang lumipat sa TV5 si Kris Bernal dahil mapapanood na siya sa bagong weekly drama series ng Kapatid Network, ang “Ate Ng Ate Ko”.
Makakasama niya rito dina Isabelle de Leon, Jake Cuenca, Tonton Gutierrez, Joem Bascon, Kim Last at Phil Noble.
Maglalahad ito ng isang dramatic at misteryosong kwento ng dalawang magkapatid kung saan ang kanilang pagkakaiba ay naging balakid sa kanilang relasyon.
Magsisimula na ito ngayong gabi, 9:30 p.m. sa Primetime Todo ng TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.