#IkawNa: Female TV host jackpot na sa career, swerte pa sa lovelife

Reggee Bonoan |November 22,2020
share this

#IkawNa: Female TV host jackpot na sa career, swerte pa sa lovelife

Reggee Bonoan | November 22,2020 - 04:44 PM

MAY bagong talk show na binuo ang isang TV network pero hindi pa ito masimulan dahil ang isa sa host ay naka-lock in pa sa ginagawa nitong teleserye.

Hindi naman siya puwedeng magpaalam sa production dahil mahalaga ang karakter niya.

Ang sabi sa amin ng isang source, “Hihintayin kung kelan siya available na saka pa sisimulan.”

Heto na ang siste, bukod pala sa teleseryeng ginagawa ng TV host ay tumanggap pa pala siya ng iba pang project para naman sa ibang network, sa madaling salita mapapanood na siya sa dalawang network na tila mag-aabot pa ng timeslot.

At kapag natapos na ang lock-in taping niya ay saka siya papasok sa talk show ng kabilang TV network. Ang taray, di ba? Lagare siya sa dalawang istasyon.

Sabagay, hindi naman siya nakakontrata sa alinmang network dahil per show ang pinirmahan niya lalo na sa panahon ng pandemic, hindi na uso ang loyalty or else gutom ang aabutin mo.

Bread winner din naman kasi ang personalidad na ito bukod pa sa marami rin siyang natutulungang ibang tao kaya kailangan niyang humataw to the max sa trabaho.

Since may mga offer naman na trabaho kaya tanggap lang siya nang tanggap at higit sa lahat, bongga ang talent fee niya, kaya why not?

Marami rin siyang blessings dahil marunong siyang mag-share sa mga nangangailangan.

At suwerte rin sa lovelife ngayon ang kilalang personalidad dahil going strong pa rin sila ng non-showbiz niyang karelasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending