Claudine inoperahan sa kamay: Ang sama ng itsura ko, mukhang may sakit talaga

Ervin Santiago |November 22,2020
share this

Claudine inoperahan sa kamay: Ang sama ng itsura ko, mukhang may sakit talaga

Ervin Santiago | November 22,2020 - 01:03 PM

TAKOT na takot si Claudine Barretto sa operasyon na gagawin sa kanyang kamay ngayong araw sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City.

Kaya naman ang hiling ng aktres sa kanyang fans at social media followers ay ipagdasal siya at maging maayos ang kanyang hand surgery.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay ibinahagi nga ni Claudine ang nararamdaman niyang takot sa emergency procedure na gagawin sa kanya.

“Sorry I really look terrible. Ang sama ng itsura ko, mukhang may sakit talaga ako. I’m asking everybody to please pray for me and not to worry, my palanggas and Claudinians, strong naman ako, kaya ko naman.

“I’m really scared pero my Ate Gretchen ever since this morning, she’s making me laugh and laugh and laugh so at least naging maganda ang araw ko,” pahayag ng aktres.

Aniya, kahapon pa lang ay nasa ospital na siya para paghandaan ang operasyon na aniya’y hindi na pwedeng ma-delay.

Kaninang umaga, nag-live rin ang aktres sa IG at ipinakita sa kanyang followers ang pagdadala sa kanya ng mga nurse sa operating room.

Aniya, agad niya ring ibabalita kung ano ang nangyari sa surgery na pinagdaanan kasabay nga ng hiling na ipagdasal ang kanyang kaligtasan.

Kuwento ng estranged wife ni Raymart Santiago, nagka-injury ang kanang kamay niya nang ma-confine noon sa ospital habang nakaburol ang kanyang amang si Miguel Barretto na pumanaw noong October, 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending