Limang evacuee sa Marikina, tinamaan ng COVID-19
Nasa limang evacuee sa Marikina City ang nag positibo sa COVID-19.
Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng surveillance testing sa 12,000 residente ng Marikina kung saan nananatili sa iba’t ibang evacuation centers matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses.
“Out of 12,000 na sinurveillance testing sa mga evacuation center, may 153 na naging reactive sa rapid test doon sa antibodies, and out of that 153, may lima na nagpositibo at nasa quarantine facilities,” pahayag ni Teodoro
Nag-negatibo naman aniya sa COVID-19 ang mga close contact ng lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.