Rachelle Ann buntis na: Hindi ako makapaniwala na magiging mommy na ‘ko

Ervin Santiago |November 22,2020
share this

Rachelle Ann buntis na: Hindi ako makapaniwala na magiging mommy na ‘ko

Ervin Santiago | November 22,2020 - 10:47 AM

BUNTIS na si Rachelle Ann Go sa panganay na anak nila ng kanyang asawang foreigner na si Martin Spies.

Ibinandera ng Kapuso singer-actress ang good news sa kanyang latest YouTube vlog na may titulong “New Season in the Spies Family.”

Ayon kay Rachelle, hindi rin naging madali para sa kanila ni Martin ang taong 2020, at tulad ng karamihan dumaan din sila sa maraming pagsubok na pinilit nilang pagtagumpayan.

“Surprise! It’s finally here! No more hiding secrets (and bumps)! We’re so excited to tell you all about our 2020, which was undoubtedly, and quite literally, a rollercoaster of ups and downs!

“Martin and I are very happy and excited to share this wonderful new chapter of our lives with you all,” ang bahagi ng pahayag ni Rachelle Ann.

“Yes, finally we’re expecting (a baby)! We are so grateful for this new season. I can’t believe it, I’m going to be a mama,” excited pang mensahe ng singer.

Aniya pa, alam na nila ni Martin at ng kanilang pamilya ang gender ng magiging first baby nila, “But we’re going to keep it a secret. “You guys will know next year na, ‘pag labas na ng Baby.”

Sey naman ng kanyang hubby, “The process of sharing it with the family was amazing. I’m very excited. Keep us in your prayers as Shin’s pregnancy continues.”

Sa ngayon, busy na ang mag-asawa sa pagpe-prepare ng “nursery” sa kanilang bahay para sa una nilang baby.

Ikinasal sina Rachelle at Martin noong April 18, 2018 sa Boracay at kamakailan lang at nag-celebrate na nga sila ng second wedding anniversary.

Narito ang naging message ni Rachelle sa kanyang asawa, “APRIL: This month we celebrated 2 years of marriage and 3 years together!!! This week is our 7th week of lockdown!

“It is the longest time we’ve been together 24/7 and it has been a great opportunity for us to grow as husband and wife. Marriage gets better and better and better with you @spiesmj.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending