Ivana ang 2021 Tanduay Calendar Girl

Karlos Bautista |November 21,2020
share this

Ivana ang 2021 Tanduay Calendar Girl

Karlos Bautista | November 21,2020 - 10:40 PM

“I am your Tanduay Calendar Girl 2021.”

Eto ang deklarasyon kasabay ng paglalabas ng ilang maiinit na larawan ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi nitong Biyernes.

Dream come true para kay Ivana ang maging calendar girl ng Tanduay Distillers, Inc.

“I’m a fan of Tanduay Calendar Girl. Ever since I’ve been following them. And I can’t imagine that I would be the 2021 calendar girl. Parang super dream come true for me,” wika pa ng seksing actress-vlogger.

Sa video reveal naman ng local rum manufacturer, sinabi nito na napili nila si Ivana dahil kinakatawan niya ang “tibay ng loob” ng modernong Filipina.

“For 2021, they aim for fresh new take on the calendar,” ani DJ Sexy Megan na nag-host sa digital announcement. 

“So Tanduay selected someone who they believe embodies the tibay ng loob of the modern Filipina. Someone who is not afraid to be herself and to speak her mind using her influence on social platform all while being a daughter, a sister, a friend and a role model,” dagdag pa ni DJ Sexy.

Anim na layouts ang lalabas na mga larawan ni Ivana sa calendar.

“I love shots like these, yong mga sexy na elegant na maganda pa rin,” wika ng half-Pinay half-Moroccan na si Ivana.

Taun-taon ay inaabangan na rin ng marami ang kalendaryo ng Tanduay dahil sa mga sexy nitong calendar girls.

Kabilang sa mga dati na ring naging calendar girl sina Heart Evanglista, Ellen Adarna, Erich Gonzales, Jessy Mendiola, Bela Padilla at Barbie Imperial.

Ang celebrated photographer na si Mark Nicdao ang kumuha ng mga litrato para sa 2021 calendar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending