15,755 sumailalim sa libreng swab test sa Maynila

share this

15,755 sumailalim sa libreng swab test sa Maynila

| November 21,2020 - 03:49 PM

Umabot na sa 15,755 ang bilang ng mga indibidwal na sumailalim sa libreng swab test sa ilalim ng free mass swab testing program sa Lungsod ng Maynila.

Ang libreng mass swab testing ay para sa mga public transport drivers, market vendors, hotel employees at mall workers.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, maliban sa mga sektor na ito, nasa 47,585 na rin ang kabuuang bilang ng mga na-swab test (RT-PCR) sa anim na district hospitals sa lungsod hanggang ngayong araw, November 20.

“Tuloy-tuloy po ang paglulunsad natin nito upang mabigyan ng kapanatagan ang mga mamimili at matiyak ang kaligtasan ng lahat,” ani Moreno.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending