Tony Labrusca kakaiba ang ‘kamandag’ sa mga beki
GRABE ang kilig ng fans sa pa-abs ni Tony Labrusca sa isang eksena sa “Bagong Umaga”.
Bumisita si Tisay (Heaven Peralejo) sa bahay ng character ni Tony na nag-aayos ng kanilang kama. Sa sumunod na scene, ipinakitang half naked si Tony dahil nag-aayos nga ito ng kanilang hinigaan.
Isa ang eksenang iyon sa mga scenes na ipinasok sa music video ni Heaven for her song “Ikaw Pala”. Super kilig ang fans ng dalawa sa Twitter when the music video was uploaded.
“Kakakilig kayo ni Tony @hperalejo, cant help but notice it. iba ang chemistry, bagay kayong Loveteam.”
“Bagay na bagay! Tisay ka talaga.”
“Ganda ng kanta, nakaka LSS. congrats Heaven.”
“Wow Bentot natupad na pangarap mo na sana maging Theme Song ang kanta mo at sa palabas mo p mismo. O db super super blessings tlga? Sabi sa iyo just wait lng IN HIS TIME matutupad lahat ng pangarap mo. Always feet on the ground. And pray always. Luv u.”
Napakalakas talaga ng appeal ni Tony. Ibang klase siyang nilalang. No matter what he does, kahit magpakita lang siya ng abs ay halos mamatay na sa kilig ang fans niya mapa-girl or beki man.
* * *
Kumakalat ngayon sa social media ang post ng ABS-CBN News kung saan ipinapakitang binabasa ng reporter na si Jacque Manabat ang isang liham ng pasasalamat mula sa mga residente ng Bato, Catanduanes na tinamaan ng sunod-sunod na bagyo nitong mga nakaraang linggo.
“Kultura namin kasi may ipapauwi sa bisita pero walang-wala kami. Thank you letter po muna. Pakipasa rin po sa mga kasama niyo sa ABS-CBN,” ayon sa liham.
Pampapawi raw ito ng pagod ayon kay Jacque, na nag-post din sa kanyang Twitter account na inabot sa kanila ang naturang liham ng mga residente bago sila umalis sa naturang lugar noong weekend.
“Sa higit dalawang linggo namin dito sa Catanduanes, ngayon lang ako naiyak dahil sa sulat na ‘to. ‘Di biro ang dinaan nilang kalamidad. Wala silang magawa. Hindi dahilan ang pagiging resilient nila. Napakabuti nila. Sana ‘di malimutan na di pa rin nakakabangon ang Catanduanes,” post ni Jacque.
Ang mga bagay nga raw na ganito ang hindi kayang bayaran ng kahit anong halaga, ayon sa netizens na todo rin ang pasasalamat sa ABS-CBN.
“I thank you also ABS-CBN solid Kapamilya ako, kaming mga Catandunganon. Dahil sa inyo maaabot kami ng tulong ng ibang ahensya,” sabi ni Judith Songuad sa Facebook.
“In the service of the Filipinos ang ABS-CBN not just as slogan but in action through strong storm and pandemic. On the go ang field reporters. Salute to all, like Jacque Manabat, Jeff Canoy, Chiara Zambrano, Michael Delizo, Jenki Pascual, Anjo Bagaoisan. ‘Di nila iniwan ang tunay na news center of the Philippines,” komento naman ni Rosete Regalado.
Nakakahanga naman talaga ang efforts ngayon ng ABS-CBN sa pagbabalita.
Ang napatunayan lang talaga ng mga nangyaring sakuna lately ay ang kahalagahan ng paghahatid ng impormasyon at tulong sa ating mga kababayan na tila ba nabawasan dahil nga sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.