Iza, Jameson parehong palaban sa halikan at love scene | Bandera

Iza, Jameson parehong palaban sa halikan at love scene

Ervin Santiago |November 18,2020
facebook
share this

Iza, Jameson parehong palaban sa halikan at love scene

Ervin Santiago - November 18, 2020 - 02:55 PM
PAREHONG palaban at walang kaarte-arte sa halikan at love scene sina Iza Calzado at Jameson Blake na bibida sa digital series na “Loving Emily”.

Talagang bigay-todo ang dalawa sa kanilang intimate scenes bilang lovers sa isa na namang May-December love affair sa nasabing iWantTFC original series na mapapanood na simula ngayong araw.

Ayon kina Iza at Jameson, kailangan nilang galingan at gawing makatotohanan ang lahat ng maiinit na eksena nila sa “Loving Emily” para take one lang sila lagi at hindi na paulit-ulit.

Sey ni Iza sa ginanap na virtual presscon ng bago niyang proyekto, wala siyang hesitation nang gawin niya ang mga intimate scenes nila ni Jameson at hindi rin siya nagsisisi na tinanggap niya ito.

“I didn’t have any hesitations. It’s also part of my journey in accepting my body and of me embracing my role.

“My husband (Ben Wintle) is also very supportive of all my projects and I’m really grateful because it gives me so much freedom,” pahayag ng aktres.

Kuwento naman ni Jason sa naging experience niya kay Iza, “I had to look at her as my lover in order to bring out my emotions.

“I didn’t have a hard time with her and I think it worked well. There was one scene that we did and I think it felt real so we did a good job in portraying that,” aniya pa.

Samantala, sa kuwento ng “Loving Emily”, mapipiplitan ang karakter ni Iza na mamili sa pagitan ng miserable niyang buhay kasama ang pamilya at ng isang bagong simula kasama ang nakababatang lalaking (Jameson) nagmamahal sa kanya.

Nasa 40s na si Emily (Iza) at tila perpekto ang buhay sa social media, ngunit sa totoong buhay ay hindi siya masaya. Lalo pang lalala ang kanyang nararamdamang lumbay nang malaman niyang may kabit ang kanyang asawa (Epy Quizon) ngunit hindi niya ito kayang komprontahin.

Matapos pumanaw ang ama ni Emily, babalik siya sa kinalakahihan niyang lugar ngunit haharapin din niya ang isang mabigat na katotohanan: hindi lang ang ama niya ang patay, ngunit pati na ang buhay na minsan na niyang pinangarap, ang pamilya niya, at ang buhay niyang puno ng kasinungalingan.

Sa gitna ng biyahe at pagtatanto niyang ito ay makikilala niya ang binatang si Vince (Jameson) na mas bata ng halos 20 taon sa kanya. Kinabukasan, magigising na lang si Emily sa isang kama katabi si Vince sa isang hotel.

Sa pagyanig ni Vince sa mundo ni Emily, makikita nitong hindi pa katapusan ng buhay niya dahil marami pang dahilan para sumaya at umibig.

Pero kailangang pumili ni Emily: ang manatiling nagdurusa kasama ang pamilya niya o iwan sila para sumama kay Vince, kahit na hindi sigurado ang haharaping buhay.

Ano ang kayang ibigay ni Emily para makatagpo ng pag-ibig na kukumpleto sa kanya?

Ang “Loving Emily” ay idinirek ni Gerardo Calagui, at kasama rin sina Christian Vasquez, Ruby Ruiz, Anne Feo, JJ Quilantang, Claire Ruiz.at Heaven Peralejo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ng stardard at premium subscribers ang “Loving Emily” sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending