Never been kissed, never been touched (2) | Bandera

Never been kissed, never been touched (2)

Joseph Greenfield - August 26, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Kristine, ng Barangay Dullan Sur, Oroquieta City
Problema:  
1.     Mahigit 20-anyos na ako at hindi ako nahahalikan ng lalaki dahil wala pa akong boyfriend, samantalang ang mga kaibigan ko ay may mga boyfriend na, at ang iba’y nagsipag-asawa na at maligaya na ang kanilang mga gabi.
2.    May mga nanliligaw naman sa akin, pero hindi totoo ang kanilang panliligaw at alam ko iyon. Sa totoo lang po sa edad kong, never been touched pa rin ako. Itong taon kayang ito ay magkaka-boyfriend na ako? Kung magkaka-boyfriend ako, sino siya at kailan ko po kaya siya makikilala?
Umaasa,
Kristine, ng Barangay Dullan Sur, Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing ang unang lalaking magiging boyfriend mo ay isang Virgo,  pero hindi mo siya makakatuluyan, sa halip ang makakatuluyan mo ay ang ikalawang boyfriend mo na isang Cancer.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 19, ang magiging first boyfriend mo, ang eksaktong birthday month ay September. Kung saan mabubuo ang isang mainit na relasyon.
Graphology
Ang iyong lagda na medyo magulo. Sa simula ay nagsasabing aabutin lamang ng 10 months ang inyong pag-iibigan upang pagsapit ng buwan ng Nobyembre sa taon ding ito ng 2013 ay ganap din kayong magkakalabuan hanggang sa tuluyang mag-break. Ngunit pagsapit ng taon 2014,  muli kang magkaka-boyfriend hanggang sa tuluyan nang makapag-asawa, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer.
Huling payo at paalala:
Kristine ayon sa iyong kapalaran, mapalad ka sa taon ito sapagkat dininig ng langit ang iyong hiling.  Magkaka-boyfriend ka hatid ng lalaking may initial na R.A., ngunit hindi siya ang makakatuluyan mo, dahil pagsapit ng buwan ng Oktubre ganap ding kayong magkakalayo, habang pagpasok na pagpasok ng taon 2014, sa edad mong 25 muli kang magkaka-boyfriend hatid ng lalaking may initial na R.J. kung saan, ang ikalawang lalaki na ngang ito ang makakatuluyan mo at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending