Lea imbyerna na naman sa self-learning module: Tattoo simbolo raw ng pagiging kriminal

Karlos Bautista |November 17,2020
share this

Lea imbyerna na naman sa self-learning module: Tattoo simbolo raw ng pagiging kriminal

Karlos Bautista | November 17,2020 - 04:40 PM

Mula sa Facebook page ni Lea Salonga

Basta may tattoo kriminal na agad?

Galit ang tono ni Broadway superstar Lea Salonga sa isang self-learning module na may tanong tungkol sa tattoo.

“Okay, someone would need to tell me if this thing is really ok’d by the DepEd. And if so, WHAT KIND OF BS IS THIS???” ayon sa post ni Lea sa kanyang Facebook page.

Multiple choice ang leksyon at ang tanong ay eto: Ang tattoo ay simbolo ng _______?
A. pagiging kriminal
B. pagkaalipin
C. kagitingan at kagandahan
D. pagiging mababa ng katayuan sa lipunan

Ayon kay Lea, letter A o pagiging kriminal ang sagot sa tanong, batay sa key answer na kasama ng module.

“I am THIS CLOSE to getting a tattoo, if only to prove a point,” wika pa ni Lea.

Dati na ring nagpahayag ng pagkadismaya si Lea dahil naman sa isang self-learning module na ang drowing na owl ay may label na ostrich.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending