DAPUDONG tittle defense sa Nob.9 | Bandera

DAPUDONG tittle defense sa Nob.9

Manny Pinol - August 26, 2013 - 03:00 AM

NAKATAKDANG idepensa ni Edrin “The Sting” Dapudong ng M’Lang, North Cotabato ang hawak na International Boxing Organization (IBO) junior bantamweight title sa Nobyembre 9 sa Johannesburg, South Africa.

Ito ang sinabi ni Rodney Berman, presidente ng Golden Gloves Promotions ng South Africa na siyang may hawak ng promotional rights para sa kauna-unahang world boxing champion na nanggaling sa North Cotabato.

Makakasagupa ng 27-anyos na si Dapudong ang dating Olympian at African flyweight champion na si Zolani Tete. Ang naturang 12-round title fight ay nakatakdang gawin sa  Emperor’s Palace Resort and Casino sa Johannesburg City kung saan naangkin ni Dapudong ang kanyang titulo.

Binigo ni Dapudong si Gideon Buthelezi noong Hunyo 15 para maagaw ang koronang dating hawak ng South African. Sa kanyang unang depensa ay makakasagupa ni Dapudong ang isa pang pambato ng South Africa.

Si Zolani ay may taas na 5-foot-7, kaliwete at may record na 17 panalo, tatlong talo at 15 knockouts. Si Dapudong naman ay may taas na 5-foot-5 at may kartadang 29 panalo, limang talo at 17 KOs.

Isa sa kanyang limang kabiguan ay laban kay  Buthelezi noong  Nobyembre 2012 sa pareho ring venue. Nabahiran ng kontrobersya ang split decision loss na iyon ni Dapudong kaya inatasan ng IBO ang dalawa na muling magharap noong Hunyo.

Hindi naman binigo ni Dapudong ang kanyang mga tagahanga dahil sa unang round pa lamang ay pinatumba na niya ang dating kampeon at hinablot ang titulo.

Si Zolani ay dating flyweight champion ng World Boxing Foundation (WBF). Tinangka rin niyang makuha ang International Boxing Federation (IBF) flyweight title noong 2010, ngunit pinabagsak siya ng kababayang si Moruti Mithalane sa fifth round.

Bigo rin si Zolani sa dalawang tangka niya para sa IBF super flyweight interim title na nauwi sa majority decision at split decision na pagkatalo.

Si Dapudong ay produkto ng grassroots boxing program ng North Cotabato. Nanalo rin siya noon bilang World Boxing Organization (WBO) Oriental junior flyweight champion at World Boxing Council (WBC) Silver flyweight champion.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang nag-eensayo si Dapudong sa Braveheart Boxing Gym sa  Kidapawan City, North Cotabato.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending